79. PAGITAN

313 1 0
                                    

PAGITAN

Nasa pagitan tayo ng pwede pa at ititigil na
Nasa pagitan tayo ng lalaban pa at sumusuko na
Nasa pagitan tayo ng kakapit pa at bibitaw na
Nasa pagitan tayo ng mahal kita pero yaw mo na.

Sabi ng iba na magiging matatag kapag nasa gitna na
Pero bakit sakit at paghihirap ang kanyang dala-dala?
Masikip ang pagitan, nakakalitong kalagayan
Walang mahanap na daan, walang mahanap na tamang paraan.

Ako ang nasa pagitang; baka pwede pa
Na baka pwede pang ayusin natin itong dalawa
Ngunit ikaw ang nasa pagitang; ititigil na
Gusto mo ng itigil pagkat sinabi mong hindi ka na masaya.

Ni minsan ba itinanong mo sa akin kung masaya rin ba ako?
Ni minsan ba inisip mong masaya ako sa sitwasyon na ito?
Oo, inaamin kong hindi na ako masaya
Pero pinipilit ko pa rin kasi ayokong mawala ka.

Ako ang nasa pagitang; lalaban pa rin
Lalaban ako kasi ayokong mawala ka sa akin
At ikaw ang nasa pagitang, sumusuko na
Gusto mo ng wakasan ang relasyon nating dalawa.

Pilit akong lumalaban, hindi mo ba napapansin?
Kahit walang kasiguraduhan sa daan na tatahakin
Gustung gusto kong lumaban dahil sa mahal kita
Pero anong magagawa ko kung ang lahat sa iyo'y balewala na?

Ako ang nasa pagitang; kakapit pa ako
Ngunit saan ako kakapit kung ikaw ay humahakbang na papalayo?
Ikaw ang nasa pagitang; bumibitaw na
Na inakala kong sa relasyon natin ay mananatili ka pa.

Kahit anong higpit at kapit ko mula sa iyo
Para lang mapanatili ang ikaw at ako
Ramdam ko ang pagdulas ng aking kamay sa palad mo
Na para bang ikaw ang nasa pagitang, ayaw mo na
Gusto mo ng itigil ang relasyong sinimulan nating dalawa.

Hindi ko maintindihan kung dapat na ba kitang bitawan
O pilit pa ba akong lalaban at hahanap ng paraan
Kailangan ko na 'bang pumunta sa tamang daan?
At umalis na lang sa sitwasyong nasa ating pagitan?

Ngunit saan ang tamang daan na dapat aking lakaran?
Sa isang sitwasyon ba na wala akong kasiguraduhan?
Sa daan ba na dapat na kitang pakawalan at kalimutan?
Kailangan ko na bang tumawid sa daan na kung saan tuluyan na kitang iiwan?

Kagaya mo rin naman ako, ayoko sa pagitan na ito
Ayoko sa pagitan na kailangang mamili pa tayo
Pero ang masakit lang, pareho tayong andito sa gitna ng pagitan
Ngunit magka iba ang daan na gusto nating puntahan.

Na kung ako, gusto ko 'pang ipagpatuloy ang nasimulan nating dalawa
Habang ikaw, gusto mo ng magsimula ngunit sa ibang tao na.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon