27. AlyPen

460 8 0
                                    

Sulat ni: Alyssa Eleazar Magapi (WOMANunulat) at Maria Pen (Mariang Manunulat) COLLABORATION WRITER

Hindi ko mabilang
Kung ilang tao na ang lumisan
Mga nangakong hindi maing-iwan
Pero nagawa mo pa’rin akong bitawan.

Nagawa akong bitawan
Na para ’bang hindi ako pinangakuan
Mga pangakong kanyang sa aking sinumpaan
Na mistulang naging hugis bato ng kapalaran.

Hindi ko mawari
Kung ano bang ginawa kong mali?
Bakit ganto ang nangyayari?
Hindi na tayo tulad ng dati.

Hindi ko mawari kung bakit ganyan ka?
Kung may kulang ako dapat hindi mo hinanap sa iba!
Kung may mali ako dapat hinayaan mo akong muling itama
Hindi na tayo tulad ng dating puno ng pagmamahal ang isa't-isa.

Hindi ko mabilang
Kung ilang luha na ang nasayang
Hindi ko alam kung bakit ka nag kakaganyan?
Masaya naman tayo nung una
Pero ngayon, para bang ang lahat ng nakasanayan ay naglaho na.

Ilang luha pa’ba ang aking ilalabas dahil sayo?
Gaano pa’ba kasakit ang ipapadama mo sa aking puso?
Pagod na pagod na ako pero ayokong sumuko
Ayokong sumuko kase nangako ako!

Ilang pangako pa ang bibitawan?
Ilang luha pa ang masasayang?
Ilang tao pa ba ang lilisan?
Saan ba ako nagkulang?

Hindi pa’ba ako sapat para sayo?
Kaya naghanap ka ng iba habang meron pang tayo?
Dahil oo! Alam kong ginagago mo ako!
Hindi naman ako bingi at bulag para hindi malaman ang lahat ng ginagawa mo!

Alam kong may iba ka’na!
Pero ang sakit kase may tayo pa!
May tayo pa pero nagawa mo pa’ring lumandi!
Hindi mo inisip kung masasaktan ba ako o hindi!

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang
Hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan
Sana sinabi mo, para sa una pa’lang bumitaw nako
Sana sinabi mong hindi ako sapat
para alam ko kung anong gagawin kong nararapat.

Kung nagkulang ako dapat hindi ka naghanap ng iba!
Nasaan na ang sinumpaan nating dalawa?
Nasaan ang sinabi mong sa hirap at ginhawa?
Na kahit tabunan man tayo ng problema, walang mawawala?!

Hindi ka sana nangakong hindi ako iiwan
Hindi mo sana sinabing hindi mo ko bibitawan
Umasa akong sabay tayong lalaban
Pero hindi na ngayon kasi iniwan mo nakong luhaan.

Iniwan mo'ko! Iniwan mo akong mag-isa!
Iniwan mo akong nagdurusa sa ating dalawa!
Iniwan mo ako, ang daya-daya mo talaga!
At ngayon, hindi ko alam kung ako'y makakaahon pa.

Nananalangin ako ng paulit ulit
Pero hindi ko’na hinihintay na ika'y bumalik
Kahit na iyong ipilit
Hindi mo’na matatanggal yung pinadama mong sakit.

Kaya sige, kung ayaw mo na talaga
Kahit gustung-gusto ko'pa, ititigil kona
Kase kung mahal mo akong talaga mula umpisa
Mula umpisa sana, hindi ka maghahanap ng iba.

Ayaw kitang iwan
Pero ikaw na mismo yung kusang lumisan
Ayaw kitang bitawan pero kailangan
Pasensya kana pero kailangan ko ng kumawala
Sa sakit na aking nadarama, mahal kita pero paalam na.




SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon