20. NASAAN KANA AT ANG MGA PANGAKO MO?

559 12 0
                                    

NASAAN KANA AT ANG MGA PANGAKO MO?


Naalala mo pa ba noong nililigawan mo ako?
G

inagawa lahat mapasagot mo lang ako ng "oo"

Halos araw-araw, magkasama tayo
Araw-araw mong pinararamdam na mahalaga ako para sa iyo.

Sabi mo noong sinagot na kita
Gagawin mo  lahat makita lang akong masaya
Hindi ka nagsasawang pasiyahjn ako
Hindi ka nagsasasawang iparamdam na mahal mo ako.

Kaya araw-araw ko ring minamahal ka
Bumabawi ako't inaalagaan kita
Sinusuportahan sa lahat ng hilig mo
Binibigay ko ang best para sa iyo.

Pero tila'y nalumpo ako
Sa mga salitang galing mula sa iyo
Hindi ko inaasahan
Na kaya mo pala akong saktan.

Hindi mo ako sinaktan ng pisikal
Pero sa sinabi mo, tila mo akong sinampal
Sa haba ng panahon na magkasama tayo
Hindi ko lubusang maisip na lolokohin mo ako.

Ang dami na nating naka-abang na plano
Ngunit paano iyon kung biglang ganito?
Bigla mo na lang sinasabi na ayaw mo na
Na ayaw mo na akong makasama pa.

Masaya pa tayo kahapon di ba?

Pangako nating tutuparing magkasama tayo

Minahal kita, sobra-sobra
Kaya nasasaktan din ako ng sobra
Dahil hindi ko alam ang dahilan mo
Kung bakit iniwan mo ako.

Akala ko, masaya ka sa akin
Akala ko lahat ng problema'y ating kakayanin
Pero naiwan ako no'ng bigla kang nawala
Sa masaya nating pag-ibig, iniwan mo akong mag-isa.

Mga pangarap natin ay biglang naglaho
Mga pangarap ko para sa atin ay agad na gumuho
Paanong nakaya mong lisanin ako?
Paano mo nakakaya, gayong nasasaktan ako?

Ang labo mo naman mahal,
Nilisan mo ako ng walang dahilan
Akala ko ba, hindi mo ako iiwan?
Akala ko ba hindi mo ako sasaktan?

Kung alam ko lang na mangyayari ito
Kung alam ko lang na iiwan mo pala ako
Sana hindi na lang kita sinagot
Sana hindi na lang kita minahal,
-ang sakit mong ibigin.

Pero nawala na lang ang lahat
Nawalang parang hindi pa ako sapat
Nag iba ang pakikitungo mo sa akin
Unti unti kang lumalayo at umiiwas sa kin.

Hanggang sa pinili mo sya
At ako'y iniwan mo nalang bigla
Halos hindi ko kaya
Yung pakiramdam at iisiping mas mahal mona sya.

Nasaan kana?
Nasaan na ang pangakong tayo lamang dalawa?
Yung walang mawawala
Yung ikaw at ako na wala pang sya.

Yung mga pangako mong hanggang dulo
Yung mga sinabi mo sa aking ako lang ang mamahalin mo
Yung ako lang ang may hawak sa mga kamay mo
Yung ako lang ang dahilan ng bawat pagngiti at pagtawa mo.

Nasaan kana?
Bakit mo ako iniwan at sumama sakanya?
Bakit mo ako pinapaiyak
Bakit mo hinahayaang puso kona unti unting nawawasak.

Siguro hindi lang tayo ang itinadhana
Siguro hindi lang talaga ikaw ang para sa akin
Pero kung ako ang papapiliin
Ikaw at ikaw parin ang pipiliin kong mahalin.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon