49. HULING TULA, PARA SAYO

388 2 0
                                    

HULING TULA, PARA SA'YO

Heto na naman ako
Susulat ng panibigong piyesa sa kwaderno
Mga tula na ikaw ang parating paksa
At ang nilalaman nito ay ang aking nadarama.

Mga piyesa na ikaw ang pamagat
Basta para sa'yo, ako’y magsusulat
Ang nadarama ko'y dito muling ipagtatapat
Gusto kita, gusto sa'yo ang lahat-lahat.

Paulit ulit na lang ang bawat mga konsepto
Na ikaw ang lalaking aking ginugusto
Na ikaw ang isinisigaw nitong puso ko
Ngunit para kang manhid pa sa manhid at bato sa bato.

Pero sa pagkakataong ito, tama na
Tama na ang aking pagpapakatanga
Ayoko na sa'yo, ayoko ng umasa
Pagod na akong gumawa ng tula na ikaw ang paksa.

Isasara ko na ang ginawa kong libro
Na ang karakter ay ikaw at ako
Wawakasan ko na ang kwento
Maging ang nararamdaman ko para sa'yo.

Tandaan mo, ito ang kahuli hulihan
Na ipapahayag ko ang aking nararamdaman
Huling mensahe, huling pagkagusto
Ito na ang huling tula na ilalaan ko para sa'yo.

Dahil nagising na ako sa katotohanan
Ginising mo ang hibang kong nararamdaman
Dahil labis mo akong nasaktan
No'ng tinapon mo lang lahat ng tula na aking pinaghirapan.

Ni hindi mo man inabalang basahin muna
Matapos mong punitin, tinapon mo lang na tila'y isa iyong basura
Ni hindi mo man lang inisip na masasaktan ako
Ni hindi mo man lang inisip na pinaghirapan ko 'yon para lang ibigay sa'yo.

Gusto kitang saktan sa ginawa mo
Sa ginawa mo sa mga tula ko para sa'yo
Pakiramdam ko, tinapakan mo ang buo kong pagkatao
Pakiramdam ko, tinapakan mo ang kakayahan at talento ko.

Ang mga tula na ginawa ko para sa'yo
Mga tula na labis na pinaghirapan ko
Mga tulang labis na pinagpupuyatan ko
Hindi mo man pinahalagahan ang mga tula ko para sa'yo.

Alam mo bang hindi lang 'yon basta tula?
Sa likod ng mga tulang iyon ang aking nadarama
Pero alam mo kung anong mas masakit na ginawa mo?
Ang sinabi mong ‘Ayoko sa mga tula mong baduy at ayoko sa'yo’.

Doon ako sinampal ng katotohanan
Hindi ko alam kung bakit ba kita nagustuhan
Kung baduy ang mga tula na ginawa para sa'yo
Wala ng mas babaduy pa sa ugaling ipinakita mo.

At kung ayaw mo sa katulad mo
Mas lalong ayaw ko na rin sa'yo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon