128. ROLE PLAY WORLD

176 1 0
                                    

ROLE PLAYER WORLD

Sa Real World, ilang beses na akong nasaktan
Ilang beses na akong lumuha dahil parati akong iniiwan
Ilang beses akong nagpaka tanga para lang ako'y balikan
Ilang beses akong nagdusa dahil sa pait ng pag-ibig na aking naranasan.

Sinabi ko sa sarili ko'na 'awat na muna, kota na yung sakit sa puso mo'
Na dapat mas bigyan ko'na muna ng oras ang sarili ko
Mamahalin ko muna ang sarili ko bago ang ibang tao
Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana dahil napunta ako sa ibang mundo.

Sa mundo ng mga taong takot na mahusgahan
Sa mundo ng mga taong hindi sa mukha ang basehan
Sa mundo ng mga taong tago ang kanilang katauhan
Sa Role Player World, sa mundo mo kita natagpuan.

Kung noon, takot na akong magmahal
Ngunit ngayon, handa na muli akong sumugal
Sa laro ng pag-ibig muli akong makikipaglaban
Muli akong babangon at sa tadhana'y makikipag-sapalaran.

Pilit na inaalis sa puso ang takot at pangamba
Iwinawaglit sa isipan na 'baka katulad ka'rin ng iba'
Ngunit sinabi mo'na 'hindi ako tulad nila'
Kaya naman muli akong magtitiwala.

Sa Role Player World, nagmahal ako
Muli akong naging masaya sa piling mo
Nagtiwala muli at sineryoso ko ang isang tao
Binigay ko sa'yo ang puso ko ng buong-buo.

Ngayon, masasabi kong sobrang saya
Umaapaw sa tuwa ang puso ko nung sinagot na kita
Pinaramdam mo saken yung salitang 'halaga'
Pinaramdam mo saken ang salitang 'mahal kita.'

Hindi nagtagal, dinala mo ako sa mundo mo
Na hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa buhay ko
Sobrang saya ko nung unang beses na magkita tayo
Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng tunay na saya sa piling mo.

Sa Role Player World, ko pala matatagpuan
Ang lalaking mamahalin ko nang lubusan
Ang muling hihilom ng puso kong sugatan
Ngayon, andito na kami sa Real World, patuloy na nagmamahalan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon