71.

152 4 0
                                    

NAIS KONG REGALO

Sa nalalapit kong kaarawan
Nais ko sanang iyong pakinggan
Ang binubulong ng aking isipan
Nais kong regalo, sana'y tugunan.

Hindi muna ito para sa iba
Para ito sa sarili ko, sana
Sana iyong ibigay, pansamantala
Ito yung matagal ko nang ipinagdarasal na sana magkatotoo na.

Ang hiling ko mula sayo
Ang syang magpapataas ng kumpyansa ko
Kung saan hindi ako kuntento
Hindi ako kuntento sa aking buong pagkatao.

May kulang sa sarili ko at nawa'y iyong tuparin
Ang matagal ko nang pinapanalangin
Na sana iyong tugunin
Sa sarili ko'y nawa'y pagpalarin.

Bigyan ng kaunting kumpyansa
Ang sarili kong pinanghihinaan talaga
Panginoon, ang nais kong regalo nawa'y tugunan nyo na

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon