137. ILAW NG TAHANAN (INA)

235 8 0
                                    


ILAW NG TAHANAN (INA)

Siyam na buwan ka niyang iningatan
Inalagaan sa kanyang sinapupunan
Sa iyong pagsilang, labis ang kanyang kasiyahan
Kasiyahan ng isang Ina na hindi mapapantayan.

Sa iyong paghakbang ng dahan-dahan
Sya’y nasa iyong tabi at ika’y inaalalayan
Sa iyong unang pagbigkas ng 'mama' sa kanyang harapan
Sya’y naging emosyonal, halu-halo ang kanyang naramdaman.

Kapag ika’y nagugutom, ika’y kanyang sinusubuan
Sa iyong pagligo, ika’y kanyang sinasabayan
Sa pagsusulat ng iyong pangalan, ika’y kanyang tinuturuan
Sa tuwing ika’y nadarapa, andyan siya na handa kang itayo at tulungan.

Andyan siya na gigising ng maaga para ika’y pagsilbihan
Ihahanda ang iyong uniporme at sa almusal ika'y lulutuan
Paghahandaan ang unang pagpasok mo sa paaralan
At nawawala ang kanyang pagod sa tuwing ika’y kanyang pinagmamasdan.

At ngayon, kaya mo ng kumilos ng mag isa
Kaya mo ng paglutuan ang sarili mo kapag papasok ka sa eskwela
Kaya mo ng magbihis ng hindi na kailangan pa ng tulong niya
Ngayon, kaya mo ng tumayo sa sarili mong mga paa.

Kaya, panahon na para bumawi ka
Bumawi ka sa lahat ng mga nagawang sakripisyo niya
Bumawi ka sa paraang pagbutihin mo ang pag-aaral mo
At gawin mo ang lahat ng mga bagay na noo’y nagawa niya sa'yo.

Dahil siya naman ang kailangan ng gabay at tulong mo
Ikaw naman ang magiging tungkod sa tuwing maglalakad sya
Ikaw naman ang mag aalalay sa kanya kapag sya’y maliligo
At sa lahat ng sakripisyo niya, siya naman ang pagsisilbihan mo.

Sa iyong unti unting pagtanda
Siya naman itong nakakaramdaman ng panghihina
Ang kanyang buhok ay namumuti na
Siya naman ang kailangan ng gabay at aruga.

Mahalin natin ang 'ilaw ng tahanan'
Dapat silang galangin at pahalagahan
Maging ang 'halagi ng tahanan'
Pagkat kung wala sila, wala tayo dito sa ating kinatatayuan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon