163. HINDI AKO PAPATALO SAYO, KAMATAYAN

123 1 2
                                    

HINDI AKO PAPATALO SA'YO, KAMATAYAN

Naririnig mo ba sila?
T-eka, hindi?
B-akit sila naririnig ko?

Mga tinig sa aking tenga
Malalakas nilang tawa
Sakanila'y hindi ako makawala
Ano ba ang mga sinasabi nila?

-Wala silang pakealam sa'yo
-Hindi ka mahal ng pamilya mo
-Kaya halika
-Sa amin ay sumama ka.

Mga bulong na tila ako'y dinidiktahan
Ako'y naguguluhan
Pawang kontrolado nila ang aking nararamdaman
Tanging dilim ang nasisilayan
Walang mapaglagyan.

Andito ako sa loob ng aking silid
Luha sa mata'y nangingilid
Mga bulong nila'y muling pumapasok sa aking isipan
Walang kawala pagkat ako'y kanilang pinapalibutan.

Heto na naman sila
Para silang baliw kung tumawa
Pilit nilang hinuhuli ang aking paningin
Na para bang nais nila akong kontrolin.

-Sumama ka sa' min
Pakiusap, lumayo kayo!
-Halika na, masaya sa bahay natin
Ayoko, hindi ako sasama sa inyo!

Tama na, umalis na kayo!
-Andito kami, para sa'yo
Hindi ko kayo kailangan!
-Alam naming ika'y nahihirapan.

Tinakpan ko ang magkabila kong tenga
Hindi ako sasama sa kanila
Kaya ko pang labanan ang kalungkutan
Hindi ako papatalo sa Kampon mo, Kamatayan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon