83. SAKIT NG PAG-IBIG

170 1 0
                                    

Mataman kitang pinagmamasdan
Ngunit sadyang ikaw talaga ang aking kahinaan
Hindi ko magawang basahin ang lahat sa hindi ko malaman na dahilan
Bakit ba tayo humantong sa ganitong kalagayan?

Hindi baʼ nangako ka sa harap ng maraming tao?
Na ipaglalaban mo ako mula umpisa hanggang dulo?
Hindi baʼt nangako ka rin sa harap ng mga magulang ko?
Na hindi mo ako sasaktan at hindi iiwan pero bakit ganito?

Sinabi mo sakin noon na ayaw mokong nakikitang umiiyak dahil nasasaktan ka
Sinabi mo sakin noon na ayaw mokong nakikitang nasasaktan dahil nahihirapan ka
Pero bakit ngayon? Nakikita mokong umiiyak sa harapan mo pero wala akong mabasa sa iyong mga mata
Nakikita mo akong nasasaktan pero nakitingin kalang sa mga mata kong lumuluha.

Umiiyak na akoʼt lahat-lahat pero bakit parang hindi ka naman nasasaktan?
Nakikita mo akong nasasaktan ngayon pero bakit parang hindi ka naman nahihirapan?
Ayaw mo akong makitang umiiyak at nasasaktan pero ikaw na mismo yung dahilan
Kung bakit ako umiiyak at nasasaktan ngayon ay ikaw mismo ang may kasalanan.

Ano bang ginawa o nagawa ko para magkanito tayo?
Ginawa ko naman ang lahat ng best ko para sa relasyong ito
May kulang ba saken? Sumobra ba ako? Hindi pa ba ako sapat sayo?
May ugali ba akong hindi mo nagustuhan kung meron man, babaguhin ko.

Kung nagkulang nga ako sayo kaya ka nagkakaganito
Handa ko yung punan ng sobra-sobra at higit pa sa gagawin ko
Handa ko yung punan at ibigay ang lahat sayo wag lang yung gantong masyado kang seryoso
Hindi ako sanay sa lahat ng pinapakita mong reaksyon ngayong magkaharap tayo.

Huwag namang ganito dahil alam kong alam mo na mahal kita
Alam mong alam ko kung gaano mo rin ako kamahal diba?
Papaano mo nasasabing sa akin ay hindi kana masaya?
Paano mo nasasabi lahat ng yan gamit ang nanlalamig mong mga salita?

Imposibleng hindi kana masaya dahil masaya pa tayo nung nakaraan!
Imposibleng hindi kana masaya sakin dahil paulit-ulit mong sinabi na ako ang iyong kasiyahan
Papaanong sa akin ay hindi kana masaya, wag ka namang ganyan
Sabihin mo ang totoo, yung totoo mong nararamdaman.

Masaya ka diba? Masaya ka dahil saken diba? Masaya tayo diba?
Masaya tayo kase mahal na mahal natin ang isaʼt-isa
Masaya tayo kase suportado tayo ng kanya-kanya nating pamilya
Papaano mo nasasabing hindi kana masaya? Sa paanong dahilan ba?

Pero mas lalo lang akong nanlumo dahil hindi ka man lang nagsalita
Wala ka man lang itinama sa mga sinasabi ko, wala na ba talaga?
Hindi kana ba talaga masaya sa akin? Sa ating dalawa?
Ano? Baka may sasabihin ka pa? Anong sunod nito? Makikipaghiwalay ka?

Napatitig sayo dahil bigla kang umiling ng paulit-ulit kasabay nun ang pagyuko mo
Nagbasakan ang mga luha sayong mga mata at hindi ko alam kung anong sasabihin ko
Mas lalong dinurog ang puso ko dahil sa mga hikbi mo
Mabilis kitang niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na humingi ng sorry sa mga nasabi ko.

May problema kaʼba? Andito naman ako at pwede mo akong sabihan
Diba nangako tayo sa isaʼt-isa na walang lihiman?
Magsalita ka naman dahil handa kitang pakinggan
Wag lang yung ganito na aabot tayo na magkasakitan.

Unti-unti akong napabitaw sa mga yakap mo ng marinig ko ang sinabi mo
Tinitigan kita kung ang mga sinabi mo nga ba ay totoo
Mabilis na dumaloy ang lahat ng luha sa mga mata ko ng may mapagtanto
Dahan-dahan kong sinusuri ang lahat ng sa iyo.

Mabilis na dumaloy ang luha sa aking mga mata
Hindi ito totoo, wala ka namang sakit diba?
Bawiin mo ang mga sinabi mo dahil hindi ako natutuwa
Pero halos huminto ang paghinga ko nung salubungin mo ang mga mata kong puno ng luha.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon