134. Mga mata nati'y iisa

207 1 0
                                    

134. Mga mata nati'y iisa

Kakaiba ang aking naramdaman
Noong ika’y una kong nasilayan
Tibok ng puso, tila'y nakikipag-karerahan
Ngiti sa labi’y hindi mapigilan.

Tila’y huminto ang pag-ikot ng mundo
Sa mga sandaling ang ating mga mata’y nagtagpo
Para akong tinutunaw sa malalim na pagtitig mo
Biglang sumibol ang kaba noong nginitian mo ako.

Tatlong taon na ang nagdaan
Hanggang ngayon akin pa ring natatandaan
Sa kung paano nag-krus ating mga landas
Na ngayo'y nag-iibigan na ng wagas.

Marahil,
Planado iyon ng tadhana
Ang makita natin ang isa't isa
Ang pagtamain mga mata nating dalawa
Ang mahalin natin ng tama ang bawat isa.

Nagpapasalamat ako kay Kupido
Dahil pinana niya ang puso sa tamang tao
Relasiyon namin ay hindi man perpekto
Pero sigurado na kami sa isa't isa
na pangarap naming tumanda ng magkasama.



SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon