110: LONG DISTANCE RELATIONSHIP

287 7 0
                                    

LONG DISTANCE RELATIONSHIP

Sabi nila; ang ldr daw ay hindi naman nagtatagal
Nauuwi lang daw sa hiwalayan, kalaunan
Pero kung pareho kayong desidido't seryoso
Magtatagal at magtatagal kayo.

Malayo man tayo sa isa't isa
Ngunit hindi ito hadlang sa ating dalawa
Magka iba man ang lugar na ating pinanggalingan
Hindi iyon ang hadlang sa ating pagmamahalan.

Alam kong mahirap ang sitwasyon natin
Pero salamat dahil pinipili nating kayanin
Gano'n naman yata talaga
Kakayanin lahat kasi mahal natin ang isa't isa.

Sa isang relasyon hindi maiiwasan
Ang hindi pagkaka intindihan
May mga pagkakataon na minsan
Din tayong nagkakalabuan
Na may panahon na dumaraan
Din tayo sa kaunting tampuhan.

Aaminin ko, dati talaga nahihirapan ako
Dahil magkalayo tayo ng tahanan
Na sa tuwing nangungulila ako sa'yo
Hindi man lang kita mapuntahan.

Na sa tuwing nagagalit ka bigla
Hindi ko alam kung paano ka pakakalmahin
May mga pagkakataon na nagtatampo ka
Hindi ko alam kung sa paanong paraan kita susuyuin.

Pero dati 'yon kasi ngayon, tantiyado ko na
Alam ko na ang gagawin ko kapag tinotoyo ka
Alam ko na kung paano ka suyuin at pakalmahin
Wala akong gagawin kundi ang intindihin ka nang intindihin.

Gusto kong malaman mo
Na kahit tayo'y magkalayo
Seryoso't kuntento ako sa'yo
Na balang araw, magkikita rin tayo.

Hindi man kita nakakatabi
Pero ikaw naman ang laman ng isapan
Umaga hanggang gabi
Mahal kita palagi; iyo sanang pakatatandaan.

Hindi ako maghahanap ng iba
Hindi ko sasayangin ang binigay mong tiwala
Hindi ako gagawa ng ikasasakit mo
Hindi ako gagawa ng ikasisira ng tayo.

Kaya kapit lang ha?
Konting tiis pa
Magkikita rin tayo
Mayayakap din natin ang isa't isa.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon