189. 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗔𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗡𝗗𝗢 𝗠𝗢

129 3 0
                                    

189. 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗔𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗡𝗗𝗢 𝗠𝗢

Hindi ko alam kung bakit
patuloy akong minamahal ka
kahit alam kong may gusto
kang iba.

Umiiyak ako sa sakit
sa tuwing nakikita kita
na masaya
kasama sya.

Ilang beses kong
pinagagalitan ang sarili ko
pagod na akong masaktan
sa paulit-ulit na dahilan.

Ang katotohanang
sya ang gusto mo
at ako
isang hangin lamang sa'yo.

Ginusto kong
gustuhin ka
pero hindi ko pinili
na masaktan sa'yo nang sobra.

Durog ang puso ko
Luhaan ang mata ko
pero tama na
ang pagmumukha kong tanga.

Hindi na ipipilit
ang sarili ko sa'yo
ako na mismo ang lalayo
at sa pagkakataong ito
-wala na ako sa mundo mo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon