69. IMAHINASYON

351 2 0
                                    

IMAHINASYON

May mga bagay talaga na
kahit anong gawin ko ay hindi pwede
Lahat na ginawan ko ng paraan
para lang maging posible.

Ang dating simple napilitang
maglagay ng iba’t ibang klase ng kolorete
Sa paraan na iyon akala ko mapapansin mo na ako pero lalo lang naging imposible.

Sinubukan kong baguhin ang lahat ng sa akin
Dahil sa kagustuhan kong ako'y iyong mapansin
Inumpisahan ko sa klase ng pananamit pero hindi ko pa rin magawang agawin
Hindi ko pa rin magawang agawin ang iyong paningin.

Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi talaga umaayon
Sobrang hirap para sakin na kuhanin ang buo mong atensyon
Hindi ko magawan ng paraan maging sa kung paano nga ba ang solusyon
Ibabalik ang dating ako, tama na ang minsang pag-iisip ng imahinasyon.

Imahinasyon kung saan masaya tayong dalawa
Puno ng biruan, tawanan sa tuwing kasama kita
Imahinasyong napupuno ng mga ala-alang masaya
Hanggang imahinasyon nalang ako dahil kahit sa malapitan hindi mo parin ako nakikita.

Gusto ko sayong sabihin ang totoo
Ang totoong matagal ko nang itinatago
Ang nararamdaman ng mahiyain kong puso
Ikaw ang lalaking matagal ko nang gustong-gusto.

Pasensya kana kung pilit kong binago ang sarili ko
Kase akala ko kapag ganun, akala mo mapapansin mona ako
Pero mali, nagkamali ako sa paraan na dapat hindi ko ginawa na para sayo
Hindi ko sana binago ang sarili ko dahil lang sa gusto kong mapansin mo.

Tama na ang kaiisip kung saan may tayong dalawa
Yung ikaw at ako na ang pinaka-masaya
Pero hanggang imahinasyon nalang talaga
Kase kung iisipin kung paano at bakit hindi mo ako makita?

Kase kahit nasa harapan mo na nga ako
Sya at sya parin talaga ang nililingon mo
Kase kahit ang palaging kasama mo ay ako
Sya at sya parin talaga ang hinahanap mo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon