74. MA, PA

445 3 0
                                    


Lumaki ako
Sa pamilyang hindi perpekto
'Yong mga magulang ko
Walang araw na hindi nagtatalo.

'Yong pwede namang pag-usapan
Pero dinadaan nila sa sigawan
Kung magturingan
Parang wala silang pinagsamahan.

Sa tuwing nag-aaway sila
Nakamasid lang ako sa kanila
Sigawan, sisihan, sumbatan ang parating eksena
Para silang hindi mag-asawa.

Minsan nga, napapa-isip ako
Baka dahil sa akin kaya parati silang nagtatalo
Siguro gusto na nilang hiwalayan ang isa't isa
Pero dahil sa akin, hindi lang nila magawa.

Ma, Pa,
Kung hindi niyo na mahal ang isa't isa
Maiintindihan ko, iintindihin ko
Rerespituhin ko kung maghihiwalay kayo.

Ma, Pa,
Huwag niyo akong intindihin
Dahil ayos lang sa akin
Hindi ako magagalit sa inyo
Hindi ako hahadlang kung maghihiwalay kayo.

Mas maayos na rin kung mag kanya-kanya kayo
Kesa sa araw-araw kayong nagtatalo
Nakakasawa na rin kasi minsan
Maingay ang kinagisnan kong tahanan
dahil puro kayo sigawan, sumbatan, sisihan.

Pero may isang hiling lang ako sa inyo
Gusto kong mangako kayo pareho
Maghihiwalay lang kayo
Huwag niyo sanang kalimutan na may isang ako na anak niyo.





SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon