108. BALANG ARAW

171 1 0
                                    

Alam kong darating ang panahon
Na makakalimutan ko ang nakaraan nating dalawa.

Na balang araw, magagawa ko na maging masaya na wala ang anino mo.

Na balang araw, makakaya kong gumising na hindi na hinahanap hanap pa ang presensya mo.

Na balang araw, makakaya kong mag isang bumangon na hindi na kailangan pa ng pag alalay mo.

Na balang araw, makakaya kong pagmasdan ka ng wala na akong nararamdaman pa.

Alam kong darating ang araw na magigising ako sa katotohanan at matatauhan din ako.

Pero sa ngayon, hahayaan ko muna ang sarili kong magpaka tanga sa'yo, hahayaan ko ang sarili kong maghabol sa'yo, ang magmaka awa sa'yo, ang maging bulag sa harap ng maraming tao dahil mahal kita eh, dahil sa hindi ko kaya na wala ka, dahil sa pinipilit ko pa 'ring ipaglaban ang pagmamahal ko sa'yo dahil baka sakaling pwede 'pang maibalik 'yong dating ang tayo.

Hahayaan ko ang sarili kong ipaglaban ka pa rin kahit alam kong uuwi akong talunan.

Hahayaan kong madurog ako, hahayaan kong masaktan ako nang todo. Dahil alam kong darating ang araw na matatauhan ako. At kung dumating man iyon, kung dumating man ang pagkakataong iyon, alam ko sa sarili kong ginawa ko ang lahat. At alam ko sa sarili kong ilang beses akong lumaban, na ilang beses akong humanap ng paraan para hindi ka sukuan. At kung ako'y matauhan, alam kong sa bandang huli, wala akong pagsisisihan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon