111. BIKTIMA AKO NG MAPAGLARONG PAG-IBIG

174 1 0
                                    

BIKTIMA AKO NG MAPAGLARONG PAG-IBIG

Nagmahal ako
At nasaktan ang aking puso
Nagdusa dahil sa kagagawan mo
Ikaw ba ang sisisihin ko o si Kupido?

Sabi nga nila na kakambal
Ng pagmamahal ang masaktan
At ako ay lubusang nagimbal
Dahil ang masaktan ay sa'yo ko pa naranasan.

Ang saya ay isa lamang na panandalian
Na akala ko’y wala ng katapusan
Ngunit bigla mo na lang itong tinuldukan
At sa aking pagdurusa ang s'yang pangmatagalan.

Ang dating makulay kong mundo
Tila'y nawalan ng pinta at tuluyang gumuho
Naging madilim biglang naglaho
Simula ng ikaw ay unti unting nagbago.

Ang ating pagmamahalan
Ay biglaan mo na lang pinagsawaan
Kung saan ang iyong mga dahilan
Na kahit anong paliwanag mo hindi ko talaga maintindihan.

Mga kamay ko na bigla mong binitawan
Na kahit anong higpit sa pagkapit, tila'y pinaghihinaan
Mga luhang pilit na pinipigilan
Hindi mawari kung bakit bigla kang pumiglas sa pagmamahalan natin na akala ko'y walang hanggan.

Walang hanggan, iyan ang pangako mo hindi ba?
Pero bakit hinayaan mong magkaganito tayong dalawa?
Walang iwanan, walang bibitaw, walang susuko, walang lilisan
Yan ang salitang binitawan mo na pilit ko pa rin n pinanghahawakan.

Pinanghahawakan ko pa rin iyon lahat kasi nangako ka
Pinangakuan mo ako, na ako lang ang para sa'yo at tayo ang itinadhana
Nangako ka sa' kin na hindi mo ako ipagpapalit sa iba
Nangako ka sa' kin na hindi ka maghahanap ng iba dahil para sa'yo ako lang sapat na di ba?

Pero bakit nagkaka ganito tayo?
Bakit biglang hindi na ako?
Bakit biglang may nagbago?
Papaanong hindi na ako ang mahal mo?

Ni hindi ko kayang tumititig sa iyong mga mata
Ni hindi kita kayang komprontahin dahil naghanap ka ng iba
Minahal mo ba talaga ako?
Kase kung oo sagot mo
-tanginang pagmamahal yan! Nakakagago!

Ako lang sapat na?
Ako lang pero naghanap ka ng iba?!
Sabi mo ikaw at ako ang itinadhana
Pero bakit ka naghanap ng iba habang may tayo pa?!

Isa kang gago, tarantado!
Hindi ka marunong makuntento!
Babaero!
Ni hindi mo man lang inisip yung mararamdaman ko!

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon