114. TULA PARA SA IDOLO KONG SI GINOONG MANUNULAT

373 0 0
                                    


TULA PARA SA IDOLO KONG SI GINOONG MANUNULAT

Ang tulang ito
Ay iaalay ko para sayo
Para sa nag-iisa kong Ginoo
Walang iba kundi ikaw, Ginoong Alejandro.

Kung tawagin man ay si Ginoong Manunulat
Propesyonal pagdating sa pagsusulat
Kaya naman ikaw, ay hinahangaan ng lahat
At sa pagkakataong ito, hayaan mong ikaw ang aking pamagat.

Sa galing mong tumugma ng bawat liriko
Sa mga matatalinhangang mga konsepto
Sa makapangyarihang linyahan na ginagamit mo
Ang iyong mga akda ay minamahal ng mga tao.

Isa ka sa mga hinahangaan ko, Ginoo
Pagdating sa pagsusulat, ikaʼy aking iniidolo
Dahil sa husay at angkin mong talento
Para sa akin, ikaw ang numero uno.

Sa bawat ipinapaskil mong mga akda
Parati akong nakaabang, hindi man halata
At sa tuwing binabasa kona ang iyong mga tula
Oa man sabihin, ngunit ang ngiti sa aking labi ay hindi mawala-wala.

At bilang isa ako sa iyong mga mambabasa
Asahan mong palagi akong aktibo para sumuporta
Susuportahan kita sa bawat akda na iyong naiilikha
Pupusuan, magkokomento, bilang iyong taga-hanga.

Ang mga akda mo na hindi ko pagsasawaan
Bagkus para itong wattpad na ngayoʼy akin ng kinaadikan
Ang mga tula mo na labis kong inaabangan
At hindi lang ito basta tula dahil meron karing matututunan.

Sa mga akda mo, minsan ay konektado sa akin
Nagagawa akong paluhain, patawanin
Pero mas lamang ang kaya mo akong pakiligin
Ngunit umiikot lang ito sa akda mo na paulit-ulit kong babasahin.

At sana ipagpatuloy mo ang pagsusulat, Ginoo
Dahil kung maiisipan mong ihinto man ito
Isa na ako sa mga mabibigo mo
Kayaʼt bilang isa mong mambabasa, ako ay susuporta sayo.

Marami ang nagmamahal sa iyong mga akda
Marami ang nais na magawan mo ng tula
Marami ang nangangarap na sa personal ikaw ay makita
Marami na ang nagmamahal sayo higit pa sa mga nagagawa mong mga tula.

Ginong Alejandro
Isa ako sa mga humahanga sayo
Isa ako sa mga mambabasa mo
At patuloy na susuporta sayo hanggang dulo.

Ginoong Manunulat
Hindi man ako propesyonal sa pagsusulat
Ngunit sana ay hindi mo mamasamain na ikaw ang aking pamagat
Sa piyesang ito, para sayo ako ay magpapasalamat.

Ginoong Alejandro
Hindi man ako, kasing-galing mo
Pagdating sa pagtutugma ng bawat liriko
Ngunit ang munting tula na ito
Sana ay magustuhan mo.

Ako ang munting Manunulat bilang isang Binibini
Nagpapakilala, bilang si Alyssa Eleazar Magapi.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon