44. 𝗡𝗔𝗚𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗔𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗣𝗔

371 10 0
                                    

NAGMAHAL AKO NG IBA HABANG MAY TAYO PA

Inaamin ko na pinagsabay ko kayong dalawa
Inaamin ko rin na ngayo’y mahal ko na siya
Pero hindi ibigsabihin no'n, hindi na ako makuntento sa isa
Dahil pinilit kong makuntento sa'yo
-Una pa lang dahil mahal kita.

Pero ano nga bang magagawa ko?
Tao lang din naman ako
Hindi ako 'yong babaeng perpekto
Nagmahal lang ako pero hindi ako manloloko.

Andoon na ako sa puntong nagmahal ako ng iba
Na nagmahal ako ng iba habang may tayo pa
Isipin mong maigi kung bakit ko ba nagawa iyon
Kung bakit nagawa kong magmahal ng iba habang meron pa tayong relasyon.

Dahil isa lang naman ang hinihinigi ko
Isa lang ang hinihingi ko mula sa'yo
Isa lang at iyon ay ang atensyon mo
Pero bakit nga ba parang hirap na hirap kang ibigay 'yon sa' kin ng buo?

Kaya huwag na huwag mo sa' king isusumbat na niloko kita
Dahil hinding hindi ako maghahanap ng iba
Kung hindi mo naman ako binabalewala!
Iyon lang naman ang gusto ko eh! Ang makasama ka!

Pero ano ang palagi mong dinadahilan, ha?
Na kesyo marami kang ginagawa?
Buti pa nga 'yong mga barkada mo, parati kang kasama
Pero bakit pagdating sa' kin, parati kang may ginagawa?

Oras lang, oras lang naman ang kailangan ko!
Pero ano nga bang ginagawa mo?
Lagi ka na lang hindi nauubusan ng dahilan
Puro ka palusot, mga dahilan mong hindi ko maintindihan!

Kaya huwag mo akong sasabihan ng manloloko
At mas lalong wag mong ipagdiinan na hindi ako marunong makuntento!
Dahil hindi ako maghahanap ng iba kung pinaramdam mo
Kung pinaramdam mo sa' kin na importante ako sa'yo!

Hindi ko ginusto na mabaling ang atensyon ko sa iba
Hindi ko iyon ginusto kung sana lang hindi mo ako binabalewala
Dahil kung sana umpisa pa lang, naging totoo ka
Kung sana lang pinaramdam mo sa akin na hindi ako nag iisa.

Sabihin mo sa akin ngayon
Nasaan ka no'ng kailangan kita noon?
Nasaan ka no'ng kailangan kita noon?!
Wala ka sa tabi ko di ba? Dahil abala ka, 'yan ang palagi mong rason.

'Yong mga panahon na hindi kita matawagan
Iyon ang panahon na labis kitang kailangan
Halos hindi na ako makahinga sa sobrang taas ng lagnat ko
Pero anong ginawa mo, pinapatayan mo ako ng telepono!

Pero alam mo ba? No'ng makilala ko siya
Sa kanya ko naramdaman ang tunay na saya
'Yong saya na pinagkait mo sa' kin
Sa kanya ko naramdaman kung paano ako mahalin!

Hindi niya ako binabalewala
Tulad ng parati mong ginagawa
Sa kanya ko naramdaman ang tunay na halaga
'Yong halaga na sayo’y hindi ko makita.

Hindi ko ginusto na magkaganito tayo
Pero sana, intindihin mo rin ako
Hindi ko ginustong saktan ka
Hindi ko ginustong mahulog sa iba habang may tayo pa.

Hayaan mo na akong tapusin ang tayo
Huwag na nating pahirapan ang isa't isa
Mas piliin na lang natin na maging masaya
Kaya sana, palayain mo na ako.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon