94. Nabalik sa dati

150 0 0
                                    

94. Nabalik sa dati

Hindi ko batid
kung bakit ang dating
naging mundo ko
ay naulit sa pagka estranghero.

Animoy bumalik
sa dating panahon
na hindi pa magkakilala
na hindi pa pinagtagpo ng tadhana.

Ang sakit isipin
na muling nagtama ating mata
itoy normal lang at walang kaba
walang pagmamahal,
na para bang walang pinagsamahan.

Pero ayos na rin
dahil nakalaya tayo
sa isa't isa,
salamat na lang sa mga masasayang ala-ala.






SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon