121. SEEN, IGNORED, LATE REPLIES

214 1 0
                                    

Seen
Ignored
Late replies

Iyan ba ang parati mong natatanggap
Sa taong gustong gusto mong kausap?

Sobrang sakit hindi ba?
Pero wala ka namang magawa
Kundi ang pakatitigan ang 'active now' niya
Habang iniisip mong kausap niya
-ang tunay na nagpapasaya sa kanya.

Bakit ba kasi nagchachat ka pa rin?
Eh hindi ka naman pala pinapansin
Kahit tadtarin mo pa ng puso ang myday niya
Walang epekto 'yon kung may kausap siyang iba.

Bakit ba kasi ang kulit-kulit mo?
Na kahit mag wave ka pa sa kanya, minu minuto
Kahit bigyang buhay mo pa ang bawat topiko
Matik na dapat maisip mo na hindi siya interesado sa'yo.

Isipin mo nga kung sa'yo'y interesado siya
Siya na ang gagawa ng paraan para makausap ka niya
Kaso hindi di ba? Kaya kung ako sa'yo, awat na
Mag shared post ka na lang kesa maghintay sa reply niya.

Umaasa kang kakausapin ka niya?
Eh ang iseen ang mga chat mo hindi niya magawa
Pero huwag kang malungkot
Dahil ang mundo mo'y hindi lang sa kanya iikot.

Andoon na tayo sa puntong gusto mo siya
Ngunit ang pagrespeto sa sarili'y huwag mong ibababa
Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo
Doon sa taong hindi interesado sa'yo.

Kailangan mong tanggapin ang totoo
Dahil kung magbubulag bulagan ka sa isang tao
Ikaw at ikaw lang ang masasaktan sa dulo
At ang mahirap pa, damay pati puso mo.

Huwag mo sanang pinahahalagahan
Ang taong binabalewala ka naman
Dahil may isang tao ang sayo'y nakalaan
Tumingin ka sa iyong paligid, baka nasa tabi mo lang.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon