62. SANA MANATILI KA

241 7 0
                                    

SANA MANATILI KA

Sa relasyon nating maraming pagsubok na dumaraan
Palagi nating sabay na nilulutasan
Gamit ang mga ala-alang matagal nating pinagsamahan
At pinangako sa isa't-isa na walang iwanan.

Hanggang sa dumating ang pinakamabigat na problema
Kung saan sinubok ang tiwala natin sa isa't-isa
Ngunit sa isang iglap nagbago ang lahat at pawang nag-iba
Ang dating masayang relasyon ay naging isang bulaklak na nalanta.

Pinakiusapan kita, sana manatili ka
Bigyan pa ng isang pagkatataon at pipilitin kong maibalik ang dating sigla
Sigla kung saan tayong dalawa ay kapwa'y masaya
Sana manatili ka'pa.

Huwag mong kalimutan agad ang pinagsamahan natin
Dahil hindi ko'pa kayang tanggapin
Akala ko ba lahat ng problema sabay nating haharapin?
Pero bakit ngayon, bakit ngayon ay pinipilit mo akong sagutin?

Sagutin ang tanong mong 'tapusin na kaya natin to?'
Ganun na lang ba ang lahat para sayo?
Isang problema lang, wawakasan mona agad ang tayo?
Hindi ba pwedeng lumaban ka muna gaya ng sinabi mo sa iyong mga pangako?

Sana manatili ka
Kase ako hindi ako aalis at pilit paring isasalba
Ang problemang binigay sa atin ng tadhana
Ang problemang sinukuan mo agad bigla.

Sana manatili ka
Kahit saglit, pwede ba?
Alalahin muna ang pinagsamahan nating dalawa
Kung saan may kulay pa ang relasyon nating may saya.

Sana manatili ka
Problemang lagpasan natin
Huwag mong hayaan kay Tadhana na ang relasyon natin ay gibain
Diba sabi mo ang lahat ng problema ay kaya mong hamakin?

Sana manatili ka, katulad noon
Kung saan lahat ng problema ay nabibigyang solusyon
Relasyong pinupunuan natin ng atensyon
Sana manatili ka.

Wag kang susuko
Lumaban ka dahil lalaban ako
Lumaban tayo
Wag mokong iiwan,

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon