118. KUNG AYAW MONA, ITIGIL MONA

151 1 0
                                    

KUNG AYAW MO'NA, ITIGIL MO'NA

Magbibilang tayo
Isa, dalawa hanggang tatlo
Walang apat, lima, anim o pito
Pagkat tatlo lang, ikaw, sya at ako.

Ako, ikaw at sya
Naaalala mo'ba nung una tayong nagkakilala?
May pinangako ka'pa saken hindi ba?
Sinabi mong 'tayo lang dalawa.'

Tayo lang dalawa
Ikaw at ako, kapwa'y iisa
Pero biglang nag-iba
Nagkaroon ng pagitan ang isa't-isa

Ang dating ikaw at ako
Nawalan bigla ng permiso
Nawalan ng pangalan sayo
Sa puso mo'y nawalan ako ng pwesto.

Yung dating tayo
Biglang hinigop ng ipo-ipo
Humangin ng malakas, bigla kang naglaho
Kasabay ng tuluyan mong paglayo.

Ang ikaw at ako
Napalitan ng ikaw at sya
Ang dating tayo
Napalitan ng kayo habang may tayo pa.

Kung ayaw mona, itigil mona
Pakawalan mona ako kung hindi kana masaya
Kung sa akin ay wala ka nang nadarama
Mas pipiliin ko pang iwan mo nalang ako kahit mahal pa kita.

Kung ayaw mona, itigil mona
Wag mong ipamukha sa harap kong may iba ka
May iba ka habang may tayo pang dalawa
Habang may tayo, mayroong sya.

Kung ayaw mona, itigil mona
Kung ayaw mona, mas lalong ayaw kona
Kung mas mahal mona sya
Edi magsama kayong dalawa.

Hindi rin naman ako pinalaki para maging aso
Mas lalong hindi naman ako tanga para maghabol sayo!
Hindi lang naman ikaw ang lalaki sa mundo
Yung pangako mong 'ikaw lang at ako' isaksak mo'yun sa baga mo, gago!

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon