67.AKO'Y ALIPIN NG IYONG DILIM

205 2 0
                                    

AKO'Y ALIPIN NG IYONG DILIM

Palagi na lang ba akong sunud sunuran sa'yo?
Hindi mo ba napapansin na napapagod din ako?
Sinusubukang maging malakas sa harapan mo
Pero ang hindi mo alam, unti-unti nang nadudurog ang puso ko.

Paulit-ulit na lang ba?
Paulit-ulit na lang ba tayo sa isa't-isa?
Mas gusto ko pa na iwanan mo na ako nang tuluyan
Kesa sa paulit-ulit lang tayong nagkaka-sakitan.

Lolokohin mo ako pagkatapos patatawarin kita
Ang lakas ng loob mong magloko kasi alam mong mahal kita
Pero ngayong muli ka na namang nagloko
Mas mabuting tapusin na lang natin ang tayo.

Maari 'bang tama na?
Pakawalan na lang natin ang isa't-isa
Magkanya-kanya na tayo
Pahingahin na ang sugatan nating mga puso.

Pagod na akong maging alipin sa relasyong ito
Pagod na akong masaktan na s'yang kagagawan mo
Pagod na akong maging liwanag sa iyong mundo
Tela, liwanag nga 'ba iyon para sa'yo?

Liwanag mo ako pero kasing dilim ang naaaninag ko
Liwanag mo ako pero bakit paulit ulit mo akong niloloko?
Liwanag mo ako pero bakit nga ba kase ganito?
Asan ang liwanag na sinasabi mo?

Pagod na akong magpaka alipin
Suko na ako sa mga panloloko mong gagawin
Tama na, itigil mo na wag mo na akong harapin
Pakiusap, hanggang sa kaya ko 'pang tiisin.

Sinabi mo sa akin na ako ang iyong liwanag
Liwanag na sadyang hindi ko maipaliwanag
Anong klaseng liwanag, bakit ganito ang iyong ipinapahayag?
Liwanag na kailanman hindi ko kayang ihayag.

Ako'y alipin ng iyong dilim
Na ilang taon kong kinimkim
Asan ang liwanag na sinasabi pero ang nakikita ko ay mistulang itim
Pakawalan ang isa't isa, tama na.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon