77. KIDNAPER, BIKTIMA, PAMILYA

162 2 0
                                    


KIDNAPER:
Makikita ang isang lalaki sa may pasilyo
Habang hithit nito ang kanyang sigarilyo
Maangas ang pustura nito
Animoy adik; basag-ulo sa kanto.

Maya't maya siya palinga linga sa daan
Tila'y mayroon siyang inaabangan
Hanggang sa may dalagitang dumaan sa kanyang harapan
Mula sa kung saan; biglang may sumulpot na itim na sasakyan.

Hindi nagawang sumigaw ng dalagita
Sapagkat may panyo na nilagay sa bibig niya
Ang dalagita ay pilit na nanlalaban
Ngunit ang armadong lalaki; siya'y sinikmuraan.

BIKTIMA:
Sa apat na sulok ng kwarto
Madilim; tila'y isang impiyerno
Walang bintana para sana ako'y makalabas
Baka bumalik uli 'yong mga lalaking may balbas!

Hindi ko magawang tumayo; nanghihina ako
Katawan ko'y puro sugat, pasa at paso
'Yong mga armadong lalaki, sila ang may gawa nito
Pinahirapan nila ako, pinagsamantalahan ng mga demonyo!

Gusto ko ng umuwi, ayoko dito
"Lord, tulungan niyo po ako!"
Marami pa akong pangarap sa buhay
"Lord, ayaw ko pa pong mamatay!"

PAMILYA:
Agad na sumulong ang mag-asawa patungong Barangay
Upang humingi ng tulong sa pag-alala sa kanilang anak na panganay
Apat na araw na kasi itong hindi umuuwi sa kanilang bahay
At sa pamamagitan nila'y wala namang nangyaring away.

Ikinalat ang litrato ng dalagita sa Social Media
Upang mapadali ang proseso; sa paghahanap sa kanya
Napanood nila mula sa CCTV, ang pinagmulan ng pangyayari
Ang pagkidnap sa kanilang anak; ng isang armadong lalaki.

Mula sa kabilang banda ; may dalagitang natagpuan sa ilalim ng tulay
Walang saplot, katawan ay puro sugat, pasa't paso; wala ng buhay
Kumpirado ng mag-asawa, ito ay kanilang anak na panganay
Pamilya ng dalagita, tanging sigaw ay hustisya para sa anak nilang walang awang pinatay.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon