18. KAILAN

784 17 0
                                    

Kailan?

Kailan 'yong araw na nagbago ang lahat sa'yo? Kung kailan ba nagbago 'yong nararamdaman mo para sa' kin? Gusto kong malaman kung kailan 'yong araw na bigla mo na lang napagtanto na hindi mo na pala ako mahal.

Kailan 'yong unang beses na ang pagyakap mo sa' kin ay may pag aalinlangan ka na? Kailan 'yong unang beses na ang paghalik mo sa labi't noo ko na nagbibigay na sa'yo ng pagkalito? Kailan 'yong unang beses na nagsabi ka na mahal mo ako kahit na wala ka na pa lang nararamdaman talaga?

Kailan 'yong unang beses na pinagmasdan mo ako habang kalmado na ang puso mo?

Gusto kong malaman, kung sinubukan mo bang isalba? Kung sinubukan mo bang ibalik 'yong nararamdaman mo para sa' kin? Kung sinubukan mo bang ibalik 'yong saya, 'yong sabik, 'yong init ng pag-ibig. Sinubukan mo ba akong ilaban laban sa sarili mong nararamdaman?

Gusto ko lang malaman 'yong sagot sa mga tanong ko, kung bakit mo ako sinukuan gayo'ng alam mo kung gaano kita kamahal.


SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon