31. ITIGIL MO NA ANG MATAGAL NANG TAPOS

391 9 2
                                    

Itigil mo na ang matagal nang tapos

Maaari bang huwag mo ng balikan ang nakaraan?
Ihinto mo na ang mga ginagawa mo dahil hindi na kita babalikan
Tapos na tayo dahil ikaw pa nga ang unang lumisan
Hindi ba’t iniwan mo ako noon na walang miski isang dahilan?!

Iniwan mo akong hindi malaman ang gagawin!
Kung bakit nga ba nagawa mo akong lisanin!
Alam mo bang halos masira na ang buhay ko sa ginawa mo!
Nalugmok ako dahil naiwan ako!

Ngayon, kung kailan maayos na ako saka ka lilitaw?
Hindi mo ba naalala na sa ating dalawa ikaw ang unang bumitaw?
Hindi ko alam kung papaano ako no'n muling magsisimula
No'ng iniwan mo kasi ako, halos lahat sa akin ay nawala!

Ni hindi mo alam kung gaano kita minahal ng sobra
Higit pa sa sarili ko tapos mauuwi lang din pala sa wala?
Na sa bandang huli, ako pala 'yong magiging kawawa
Dahil nagising na lang ako isang araw na nawala ka na lang bigla!

Nagdusa ako sa pang iiwan mo!
Tinatanong ko ang sarili ko, kung ano bang nagawa ko?
Kung kulang pa ba lahat para iwan mo?
Tapos ngayon, magpapakita ka sa akin at sasabihing mahal mo pa ako?!

Nanggagago ka ba? O gago ka lang talaga?
Sa tingin mo paniniwalaan kita, ha?
Mahal mo pa ako? Pero bakit iniwan mo ako ng basta-basta?
Ano? Trip mong umalis ng ilang taon tapos ngayon babalik ka?

Tapos idadahilan mong ang iwan ako ay hindi mo sinasadya
Hindi na ako 'yong dati mong kilala at mas lalong hindi na ako tanga!
Paanong hindi mo sinasadya kung ilang taon kang hindi nagpakita?!
Gano'n ba katagal ang hindi mo ginustong  iwan ako ng basta-basta?!

Itigil mo na ang matagal ng tapos, kinalimutan na kita
Tapos na akong umiyak at ayoko ng magdusa!
Sobra kitang minahal eh, kaya sobra rin 'yong sakit
Kaya pakiusap; huwag ka ng magpapakita ulit!

Itigil mo na ang matagal ng tapos, pagod na ako
Hindi mo na maibabalik ang dating tayo
Hindi na ako ang babaeng kayang magpauto sa'yo
Ihinto mo na ang panggugulo dahil hindi mo ako madadaan sa mga pakiusap mo.

Huwag na huwag kang iiyak muli sa harapan ko
Na para bang sa ating dalawa, ako ang may kasalanan!
Dahil alam kong alam mo kung ano ang totoo
Na sa relasyon natin noon, ikaw 'yong nang iwan!

'Yong totoo, masaya akong bumalik ka
Na humihingi ka ng tawad sa lahat ng iyong nagawa
Ngunit ang pakiusap mong bigyan muli kita ng pagkakataon
Iyan ang bagay na hindi ko na kayang ipagkatiwala sa'yo; ngayon.

Takot na akong masaktan at magdusa
Takot na akong muling magtiwala
Kaya sana maintindihan mo
Kung ayoko na at may takot na ako sa'yo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon