95. TAMA NA, AYOKO NA

178 1 0
                                    

TAMA NA, AYOKO NA


Ni minsan hindi ko hinangad na masaktan ng lubusan
Ni minsan hindi ko inisip na sa huli ako ang uuwing luhaan
Ni minsan hindi sumagi sa utak kong sa pag-ibig ay kaya kong lumaban
Ni minsan, hindi ko hinangad na mapagod ang puso ko sa paulit-ulit na dahilan.

Sabi nga ng iba na kakambal ng pagmamahal ang masaktan
Pero bakit parang may galit ata sa akin ang kapalaran?
Bakit ako yung taong binigyan nya ng ganitong kakaibang nararamdaman?
Bakit parang masyado nila akong nilamon sa sakit at kalungkutan?

May kulang ba saken? Kase hindi ko maintindihan
Kung bakit ba parang ako nalang ang palaging napag-iinitan
May mali ba saken? Litung-lito na ako sa paraan kung paano ko ito lulusutan
Bakit parang masaya ang tadhana na parati akong iniiwan?

Ika nga sa kasabihan na mahalin muna ng buo ang sarili, bago ang iba
Ibigsabihin kailangan ko munang pahalagahan ang sarili ko bago sila
Ibigsabihin kailangan ko munang turuan ang sarili kong maging masaya
Pero paano ako magiging masaya kung puno ng hapdi at pait ang puso kong minsan ng lumuha?

Paano at ano ba ang dapat kong gawin para mahalin ko ang sarili ko?
Kung yung ibang tao ay hindi ako magawang mahalin ng buong-buo?
Paano ako magiging masaya kung ang kasiyahan ko ay sinisira ng ibang tao?
Paano ako magtitiwala sa sarili ko kung ang iba ay hindi naniniwala sa kung ano ako?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon