56. NAGSIMULA ANG LAHAT SA SOCIAL MEDIA

314 3 0
                                    

NAGSIMULA ANG LAHAT SA SOCIAL MEDIA

Nakilala kita sa Social Media
Agad kitang in-add no'n para magpakilala
Hindi naman ako nabigo dahil in-accept mo rin bigla
Hanggang sa chinat kita ng 'Hi, TFTA. Kamusta?'

Ini stalk kita kaya may nalaman ako
Iba ang pakiramdam dahil parang huminto ang mundo
'In a relationship' iyan ang nakalagay sa status mo
At sa cover photo mo na magkasama kayo.

Hindi na kita chinat uli dahil ayoko ng gano'n
Inaamin kong gusto kita ngunit mali iyon
Kahit binalewala mo ang messages ko, naiintindihan ko na ngayon
Pero gusto kitang makilala, pwede naman di ba 'yon?

Hanggang sa meron akong nabasa mula sa timeline mo
'Sinong pwedeng kausap, masabihan lang ng problema ko?'
Hindi na ako nag aksaya ng oras, ako na mismo ang nag chat sa'yo
'Can I? Baka makatulong ako?' then send, alam kong rereplayan mo ako.

Nagkapalitan na nga tayo ng mensahe
Lahat ng replies ko sa'yo, halos may kasamang happy emoji
Napangiti ako sa reply mong 'Salamat sa oras, Clara'
Nalungkot ako dahil ang problema mo ay meron siyang iba.

Marami akong nalaman tungkol sa'yo
Marami tayong pagkakapareho na sobrang ikinasaya ko
Pero ang kinalungkot ko'y mahal mo talaga ang girlfriend mo
Kahit payo ko ay susundin mo, maibalik lang ang dating kayo.

Pinagmamasdan ko ang bagong post pictures mo with her
May nakalagay na caption 'Stay together'
Binasa ko rin ang ilang mga comments 'Stay stronger'
Napangiti ako ng malungkot, at nag comment ng 'The name of forever'

I'll post on my timeline 'I like you, I really do.'
Gusto kita, ngunit wala namang magbabago
Tama bang makaramdam ako ng sobrang pagka apektado?
Gusto kita, pero hindi pwede, malabo.

Hindi ko inaasahang tatanungin mo ako kung sino ang gusto ko
Hindi ko sasabihin, ayokong magkagulo
At kung sasabihin ko man, agad akong nakasisiguro
Isa lang ang gagawin mo, ang layuan ako.

Sinubukan kong ibahin ang usapan
Usapang nauwi kung saan kayo nagkakilanlan
Ang istorya niyong dalawa ang parati mong binibida't binabalikan
Nakikisakay na lang ako at iniinda kong hindi ako nasasaktan.

Sa tuwing nagkakalabuan kayo
Sa akin ka mismo nagkukuwento
Sa tuwing nagtatalo kayo, ako ang kinakausap mo
Sa akin ka mismo humihingi ng mga payo.

Hanggang isang gabi hindi ko inaasahang tatawag ka
Ang pagpiyok ng boses mo ang siyang nagpamulat sa antok kong mga mata
Ang pagtawag mo sa' king pangalan dahilan para makaramdam ng kaba
Ang pag-iyak mo sa' kin mula sa kabilang linya.

Paulit ulit mong binigkas na gusto mo akong makita
Sinabi mo sa 'kin na niloko ka na naman niya
Gusto man kitang puntahan ngunit ang lugar natin ay malayo
Kaya ang ginawa ko na lang ay pilitin kang maging kalmado.

Kina umagahan, tumawag ka uli sa 'kin
Paulit ulit kang humingi ng paumanhin
Kailan man hindi ka naging istorbo sa 'kin
Ang kaya ko lang gawin ay palihim kang mahalin.

Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako
Dahil single na ang nakalagay sa status mo
Magiging masaya ba ako kahit alam kong nasasaktan ka?
Dahil alam ko namang mahal mo pa rin siya.

Magiging masaya ba ako
Dahil alam kong wala ng nagmamay-ari sa'yo?
O magiging malungkot ba ako
Dahil gabi-gabi mo siyang iniiyakan sa tuwing magkakausap tayo sa telepono?

Hindi ko kayang maging masaya
Dahil alam kong nasasaktan ka
Hindi ko kayang maging masaya
Dahil alam kong mahal mo siya ng sobra.

Hanggang isang gabi, tumawag kang bigla
At ramdam ko ang saya sa boses mo
Hindi ko pa alam ang iyong ibabalita
Pero kinabahan agad ako.

Biglang nahirapang huminga
Sa balita mong nagkabalikan uli kayo
Kasabay niyon ang pagpatak ng luha sa aking mata
Kagat-labi kong binigkas ang salitang 'masaya ako para sa inyo'.

Doon ko napagtanto na talagang malabo
Malabong mahalin mo gaya sa pagmamahal ko sa'yo
Hindi magiging; dahil simula una, siya na ang mahal mo
Anong laban ko? Mahal mo siya at malapit kayo pero ako? Nagkaka uusap lang tayo sa telepono.

Hindi ako nagparamdam ng araw na iyon sa'yo dahil natatakot ako
Takot ako sa mga sasabihin mo na alam kong masasaktan na naman ako
Takot akong humingi ka na naman ng payo para maayos muli ang gusot niyo
Takot akong mahulog sa'yo ng tuluyan dahil alam kong hindi mo ako masasalo.

Iiwas ako sa'yo
Iiwas ko na ang sarili ko
Lalayuan na kita
Dahil simula pa lang iyon ang tama.

Hindi madaling iwasan ka dahil masyado na akong nasanay
Tinuring na rin kitang bahagi mismo ng aking buhay
Hindi ko na maririnig ang mga tawa mong walang humpay
Hindi ko na makikita ang mukha mo't ngiting nagbibigay sa 'kin ng kulay.

Naguguluhan ako,
Aaminin ko ba sa'yong minamahal kita?
Aaminin ko bang mas nasasaktan ako kapag nasasaktan ka?
O tatahimik na lang ba ako dahil alam kong masaya ka na?
Aaminin ko bang mahal na kita kahit alam kong mas mahal mo siya ng sobra?

Mahirap magmahal sa isang taong may iba namang minamahal.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon