33. BAKIT SYA PA?

406 13 0
                                    

BAKIT SYA PA?

Isang tanong na hindi ko alam ang sagot
Tanong na paulit ulit akong pinapaikot
Kailan magigising sa isang masamang bangungot?
Kailan hihinto ang puso kong nalalagyan na ng lumot?

Isang tanong, bakit siya pa?
Bakit hindi na lang ako di ba?
Andito naman ako parati para sa'yo
Pero bakit siya pa rin ang hinahanap mo?

Bakit siya pa?
Ano bang wala sa akin na mayroon siya?
Ano bang kulang sa' kin na makikita mo sa kanya?
Ano bang dapat kong gawin para ako'y iyong mapuna?

Kailan ko ba matatakasan ang pagmamahal ko sa'yo?
Gusto ko ng tumigil kasi nasasaktan na ako
Pagod na akong tanungin ka kung bakit siya ang mahal mo
Na kung bakit siya pa, bakit hindi na lang kasi ako?

Isang tanong wala akong madahilan
Nararamdaman ko sayo ay sadyang hindi na mapigilan
Ngunit aking susubukan na ito'y wakasan
Dahil alam ko namang wala na itong patutunguhan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon