53. OKAY LANG AKO

367 13 2
                                    


Alam niyo ba na marunong akong magsinungaling?
Kaya kong itago ang tunay kong damdamin
Kaya kong magpanggap sa mga taong nakapalibot sa akin
Eksperto rin ako sa pagkukunwari dahil 'yon lang ang kaya kong gawin.

Alam niyo ba ang paborito kong linya?
Ang salitang 'okay lang ako'  kahit hindi naman talaga
Ang salitang 'kaya ko pa' kahit ang totoo'y hindi ko na kaya
Magpapanggap akong malakas kahit sa likod nito'y hinang hina na.

Ngingiti sa harap ng maraming tao
Tatawa at pilit na makikihalubilo
Ipapakita sa lahat na wala akong problema
At patuloy lang sa pagpapanggap na masaya.

At sa pagkakataong mag-isa ako
Doon ko lang nailalabas ang totoong ako
Na hindi naman talaga ako malakas at masaya
Dahil ang totoo, malungkot ako at mahina.

Sa likod na pagtawa ko
Pagluha ang kapalit
Tanging pagpapanggap ang kakampi ko
Sa mundong napakalupit.

Sarili ko lang ang tanging
kumakampi sa' kin
Pero minsan, sarili ko rin
ang kalaban ko.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon