55. 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗔𝗞𝗢

227 3 0
                                    

MAGSUSULAT AKO

Magsusulat ako
Hindi ko dito babanggitin ang pangalan mo
Dahil wala naman itong kinalaman sa'yo
Lalo na 'yong ginawa mong panloloko.

Magsusulat ako
Ang ikaw ay walang espasyo dito
Wala akong sasabihin kung paano nagsimula ang tayo
At sa kung paanong nagwakas ang ating kwento.

Hindi ko dito ibabahagi
Kung gaano tayo kasaya dati
Sa kung paano tayo nagsimula
At sa kung paano mo winasakan din bigla.

Hindi ko dito ibabahagi
Sa eksenang ako mismo ang saksi
Sa panlolokong palihim na ginagawa mo
Na sa relasyon nati'y hindi ka pa nakuntento.

Hindi ako magsasalita
Sa kung anong kinahatnan ng relasyon nating dalawa
Na kung dati'y nagmamahalan
Ngayo'y dinaig pa ang etranghero kung magturingan.

Hindi ako magsasalita
Wala akong sasabihin miski isa
Ayokong sambiting siya ang pinili mo
Na dahil sa kanya, pinili mong iwan ako.

Hindi ko rin dito ilalagay
Kung paano mo nga ba binitawan ang aking kamay
Na imbis na piliin mong kapitan
Pinili mo itong bitawan ng walang pag-aalinlangan.

Ayokong sabihin sa aking mambabasa
Kung paano ako naging tanga
Sa kung paano ako nagbulag bulagan
At sa kung paano ako nagbingi bingihan.

Wala rin akong babanggitin dito
Kung ilang beses kang nagsisingungaling
Iyon bang huling huli na kita sa akto
Pero ayaw mo pa ring umamin.

Hindi ko isusulat dito ang bawat eksena
Kung saan hindi ko inaasahang aamin ka
Ang sinabi mong ‘mahal ko na siya
At ang katagang maghiwalay na tayong dalawa

At sa pagkakataong ito, isusulat ko na
Sa kung paano mo ako nasaktan ng sobra
Sa kung paano mo dinurog ang puso ko
Dinaig ko pa ang pinatay sa mga sinabi mo.

Ilang beses mong sinabi na siya na ang mahal mo
Na parang wala ka ng pakialam sa mararamdaman ko
Mabuti pa yatang lumibot sa' kin ang kasinungalingan
Kesa harapin ng mag-isa ang sinabi mong katotohanan.

Isusulat ko dito
Ang naging wakas ng ating kwento
Pinalaya kita kahit mahal pa kita
Pinalaya kita kasi alam kong sa kanya ka na masaya.

Hindi na kita nagawang ipaglaban
Dahil sa huli, ako rin itong masasaktan
Nakapanghihinayang lang
Na 'yong mga pangarap natin, hindi na maisasakatuparan.

Ginoo, ito na ang huling piyesa
Na kung saan tayo ang paksa
Tinatapos ko na
Ang kwento nating dalawa.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon