124. BIBITAW NA AKO, KAHIT HINDI NAMAN NAGING TAYO

169 1 0
                                    

BIBITAW NA AKO, KAHIT HINDI NAMAN NAGING TAYO

Bibitaw na ako
Kahit alam kong hindi naman naging tayo
Kase ako 'yong nagmumukhang tanga
Dahil pilit akong umaasa kahit imposible na.

Ang mali ko lang talaga
'Yong umasa ako sa'yo ng todo
'Yong inunahan ko ang desisyon mo
Na akala ko naiintindihan mo ang nais ko.

Pero ngayon naiintindihan ko’na
Asahan mong hindi na kita muling guguluhin pa
Sa iyo ay wala nang lilitaw na pangalan ko
Wala nang tutunog dyan sa telepono mo.

Sayang lang dahil hindi sumang-ayon
Ang naiisip ng utak ko sa aking imahinasyon
Na magkaroon ng tayo pagnagkataon
Yun ’bang sana magkaroon tayo ng relasyon.

Sabi rin ng iba, na wag ipipilit ang sarili mo
Doon sa taong hindi ka naman gusto
Kaya naman sa paanong paraan ako iiwas sayo?
Kung ang hindi mo pagpansin sa akin ay labis na akong apektado?

Sana pala dati hindi nalang ako umamin
Sana pala pinigilan ko’pa ang aking damdamin
Sana pala mas pinigilan ko’pa noon
Edi sana hindi tayo nag-iiwasan tulad nalang ngayon.

Sa mga araw na nagdaan
Ngayon ko’lang naramdaman
Bakit ko’pa nga ba ipinagsisiksikan
Ang sarili ko sa mga bagay na dapat daw hindi pa muna siniseryoso at pinaglalaanan.

Oo, aaminin kong nasasaktan ako
Wala eh, talagang ginugusto ko
Kahit alam ko nama’ng walang ikaw at ako
Dahil sa umpisa pa’lang hindi naman naging tayo

Sapat na siguro ang nalaman ko
Para tumigil na ako
Uulitin ko’lang hindi pala naging tayo
Pero sana alam mong nasasaktan ako.

Hindi na kita guguluhin
Sarili ko nalang muna ang aking mamahalin at uunahin
Na alam kong mas makakabuti para sa ating dalawa
At ikaw ay hahayaang maging masaya sa piling nya.

Hindi kita kakalimutan
Bibigyan ko muna ng panibagong daan
Ang puso kong sadyang nasaktan
Na alam ko namang ako din ang may kasalanan.

Sa huling pagkakataon
Hayaan mo ito ang aking itugon
Na tuluyan na akong nahulog sayo
Pero kailangan mas pigilan ko
Dahil wala na akong magagawa kung hindi tugma ang ating nadarama.

Magmo move-on ako
Kahit hindi naman naging tayo.

—WOMANunulat

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon