97. LARAWANG KUPAS

139 1 0
                                    

Larawang Kupas

Mahal,
Gusto kong sabihin sa iyo
Hindi man ako perpekto
Asahan mong andito lang ako
Sa oras na kailanganin mo.

Hindi ko ipararamdam sa'yo
Ang manghinala, makulangan, asahan mo
Gagawin ko ang makakaya ko
Para manatiling kalmado ang puso't isipan mo.

Marami mang hadlang sa ating dalawa
Pakatatandaan mo sanang; mahal kita
At ang pagmamahal natin ang magpapatunay
Na kahit ano mang mangyari; magkahawak pa rin ating mga kamay.

Na habang umiikot ang mundo
Mas tumitibay ang pagsasamang ating binuo
Sa araw-araw na nakakasama kita
Ang ikaw at ako; patuloy na magiging maligaya.

Tayo ang magsasalarawan
Na may pagmamahal na walang hanggan
Tila'y isang larawan na pakupas
Ngunit dama pa rin ang pag-ibig na wagas.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon