100. TULA PARA SA IDOLO KONG SI GINOO

226 0 0
                                    

TULA PARA SA IDOLO KONG SI GINOO

Ang tulang ito ay para kay Juan Brixter Tino
Ang isa sa mga hinahangaan kong Ginoo
Sa pagsulat ng tula, para sa akin sya ang numero uno
Pagdating sa paggamit ng tinta at papel sya ang aking iniidolo.

Sa bawat salitang kanyang ginagamit ay pawang may kapangyarihan
Na talaga namang tumatagos sa aking pusoʼt-isipan
Yung mga linyahang malalalim na kusa ko nalang nararamdaman
Yung bawat konsepto na parang ako ang pinatatamaan.

Yung tipong pamagat pa lang ay gaganahan kana agad basahin
May mga pagkakataon pa ngang parang ayaw ko pang tapusin
Pagkat ang kanyang mga akda ay parang kunektado sa akin
Hindi lang iyon basta-bastang tula pagkat may matututunan karin.

Ang pagtanghal nya sa entablado bilang isang manunula, maraming pumapalakpak
Sa bawat kanyang pagbigkas ng mahihiwagang salita ay talaga namang sa atin ay tumatatak
Yung tipong bigla ka nalang kikilabutan sa sobrang lalim ng hugot nya'y para akong sinisindak
Sana may pagkakataong mapanood ko syang magtanghal, para sa akin ay isa na iyong malaking galak.

Sya ang bukod tanging nakapukaw ng aking atensyon
Lahat ng kanyang akda ay punung-puno ng matitinding emosyon
Bawat salita, walang labis o kulang na lumilitaw sa aking imahinasyon
Sya ang ginoo na talaga namang hinahangaan kona ngayon.

Ang mga akda nya na kailanman ay hinding-hindi ko pagsasawaan
May mga araw na talaga namang paulit-ulit ko itong binalik-balikan
Sa bawat pagpaskil ng kanyang mga tula na labis kong inaabang-abangan
Babasahin ng may ngiti sa labi at labis ang galak ang nararamdaman.

Hindi man ako isang propesyonal na manunulat, Ginoo
Ngunit nagbabakasali na sana ito ay magustuhan mo
Isa po ako sa mga humahanga sa angkin mong talento
Isa ka sa mga ginagawa kong inspirasyon para ipagpatuloy ang pagsusulat ko.

Ikaw ang aking iniidolo
Ikaw si Juan Brixter Tino
Ang kaisa-isang Tumutugmang Ginoo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon