164. GINOO, NA HINDI IKAW ANG GUSTO

115 1 1
                                    

GINOO, NA HINDI IKAW ANG GUSTO

Ang hirap pala talagang magmahal
—Ng taong hindi kayang suklian ang iyong nararamdaman
Yung tipong kahit ilang beses mo 'pa syang alayan ng tula
Palagi niya itong binabaliwala.

Tipong walang mintis ang pagbibigay mo ng mensahe sakanya
Halos araw-araw, pinaparamdam mo sakanyang 'espesyal sya'
Ginagawa mo ang lahat para lang pansinin ka nya
Kahit alam at ramdam mo namang sakanya’y wala kang halaga.

Yung tipong ang hirap mag-isip kung sa'yo ay may kulang pa ba
Kung bakit hindi niya kayang suklian ang iyong nadarama
Tipong tanggap mo naman na hindi ka kagandahan
Pero ginawa mo na ang lahat upang ikaw rin ay kanyang magustuhan.

Araw-araw mo syang pinanadalhan ng mahahabang mensahe
Kahit alam mong may posibilidad na ito'y kanyang isantabi
Sinimulan mo uli sa paglikha ng tula na sya ang pamagat at paksa
Habang nakatingin ka sa kawalan kung bakit hindi nya makita ang iyong halaga.

Tipong patuloy kang nagpapapansin sa kanya
Ngunit tila isa kang hangin at hindi niya ramdam ang iyong presensiya
Kahit alayan mo pa siya ng isang daan tula
Ito'y baliwala 'pagkat nararamdaman niyo'y hindi tugma

Hindi tugma— hindi tugma ang inyong nadarama
Gusto mo sya habang may gusto syang iba
Pero heto ka— nasa puntong umaasa na baka mapansin ka nya
Umaasa ka na baka sakaling pwede 'pa kayong mag-tugma.

Ikaw ay patuloy na umaasa na baka—
sakali ay magustuhan ka rin niya
Ngunit binibini, wag sana kalimutan na ikaw ay dalagang pilipina
Mayroon pang Ginoo na makikita ang iyong halaga
Yung Ginoong kayang suklian ay iyong nararamdaman at ituturing kang prinsesa.

Hindi mo naman kailangang ipagpilitan ang sarili mo
—Dun sa taong labis mong ginugusto
Dahil ang lahat ng pinaparamdam mo sakanya
—Ito’y balewala, walang halaga
Aanhin mo ang salitang ‘Ginoo, gusto kita!’
Sa tugon nyang ‘Pasensya na, may minamahal na akong iba.’

Collaboration with:
Ateng Manunulat
and
WOMANunulat

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon