193. MENSAHE

152 1 0
                                    

MENSAHE

Ikaw ang nakilala ko
Na hindi ko gugustuhing mawala
Ikaw ang nagpatibok sa'king puso
At ikaw ang ibinigay sa'kin ng tadhana.

Kahit na malayo tayo sa isa't isa
Kahit na hindi pa tayo nagkikita
Sigurado na ako
Pipiliin ko na manatili sa'yo.

Hindi ako gagawa ng ikasasakit mo
Hindi ako gagawa ng ikasisira ng tayo
Ikaw lang ang gusto at mamahalin ko
Ikaw lang at ako.

Hindi ko 'man hawak ang oras
Maging sa kung ano 'man ang meron sa bukas
Pero asahan mong pipiliin kita
Dahil sa'yo lang ako masaya.

Hindi 'man kita mahawakan
Sa t'wing kailangan mo ng makakapitan
Ngunit iyong pakatatandaan
Na kahit magkalayo tayo, hindi kita bibitawan.

Hindi 'man kita mayakap
Sa t'wing binabalot ka ng kalungkutan
Andito ako sakaling kailangan mo ng kausap
Sabay natin 'yang lalagpasan, hindi kita iiwan.

Kung tutuusin, kakayanin natin 'to
Na kahit magkalayo tayo
Na kahit hindi tayo magkasama
Basta tiwala ang sentro sa relasyon nating dalawa.


SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon