51. BILANGGO AKO SA ATING NAKARAAN

242 5 0
                                    


Sulat nina: Alyssa Eleazar Magapi (WOMANunulat) at Angelica Magpantay Pujante
COLLABORATION WRITER

BILANGGO AKO SA ATING NAKARAAN

“Gusto ko nang makalimot ngunit pilit pa’rin akong kinukulong sa ating nakaraan.”

Gusto na kitang kalimutan
Ngunit tilay ayaw akong pakawalan
Ng mga
Ngunit sa paanong paraan?
Kung ikaw ang parating laman ng isipan?
Maging ang puso’y hinahanap pa rin ang iyong kanlungan.

Sa bawat pagtitig sa buwan
Laging naaalala ang ating pinagsamahan
Sa bawat pagkinang ng mga tala
Kasin-dami nito ang pumapatak na luha.

Ang tagal na panahon na ang lumipas
Ngunit pag-ibig ko sayo’y hindi pa rin kumukupas
Nasaan ang sinabi mong pag-ibig na wagas?
Bakit sa ating sumpaan, ikaw ang unang kumalas?

Hanggang kailan ako lalamunin ng kalungkutan?
Iyan patuloy kong nararamdaman simula ng ika'y lumisan
Bumalik ka’na sa aking kanlungan
Sabik na sabik na akong mayakap ka't halikan.

Alam kong imposible na
Na sa piling ko’y babalik ka’pa
Kaya humuhiling ako kay bathala
Na alisin ang sakit sa aking puso para ako’y makalaya.

Handa na muli akong sumubok
Kahit ang mga mata'y natatabunan ng usok
Handa muling sa tadhana'y makipaglaro
Kahit hindi alam kung ako’y mananalo.

Pero siguro nga, tama na
Dapat na ngang kalimutan ka
Ayoko nang umasang babalik kapa
At kung babalik ka 'man mahal kita ngunit ayoko na.

Ito na ang oras para limutin ka
Sinta, ipinaglaban kita
Kaya't patawad kung itatago na lamang ang nadarama
Salamat sa mga iniwan mong lamat, paalam na.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon