176. PAUBAYA

372 6 0
                                    


💛

May mga laban
Na dapat di ipaglaban
May mga pagsubok
Na dapat, isuko.

May masasaktan
Pero kailangan n'yang tapangan
Di bale na masaktan 'pa sya
Basta, kapalit 'nun ay iyong ikasasaya.

Hindi porket, sumuko s'ya
Hindi ka na sakanya, mahalaga
Hindi porket 'di sya lumaban
Hindi na sya nasasaktan.

Isipin mo ng mabuti
Hindi sya makasarili
Hindi porket 'di ka nya pinili
Hindi na s'ya nagsisi?

May mga bagay talaga
Na kahit gustuhin 'man nya
Na ipaglaban ka
Wala s'yang magawa kundi palayain ka.

Pinili nya'ng magalit ka
Pinili nya'ng kamuhian mo s'ya
Dahil hindi mo alam
Ang tunay n'yang nararamdaman.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon