54. UNTI-UNTI NA TAYONG NILALAMON NG FACEBOOK

262 7 0
                                    

UNTI-UNTI NA TAYONG NILALAMON NG FACEBOOK

'Jowang jowa na ako, HAHAHAHA'
'Isip ka Cs natin tapos bio kita'
'Hanap bebe 'yong gwapo/maganda'
Iyan ang kadalasang sa facebook na makikita.

'Hanap gf/bf 'yong seryoso'
'Ayoko ng selosa/seloso'
'Tayo na kapag pinusuan mo ito'
Ganiyan ang mga kabataan na kung mag post ay ganito.

Maraming miyembro sa isang grupo
Karamihan ang post ay puro hindi kagusto gusto
'SOC/SOP, tayo!'
Mga kabataan na walang karespe-respeto.

'10-25 only Gc Open Minded lang ang pwede'
Mahigit 100+ comments, nakisali na pati mga babae
'Single ako, landiin ako ay libre'
'Add at pm agad sa mga hindi pabebe.'

'Maging Famous, sinong gusto?'
'Add/Follow--pusuan mo muna Dp ko'
'Walang sisingit dapat, Type I LOVE YOU'
Iphone ang regalo kapag nagawa mo
-Sino na ang nauto sa mga ganito?

Mga taong may sakit sa bawat larawan
'Type Amen, para ang malas ay hindi ka dapuan'
Pati salita ng Diyos, dinadamay sa mga kabalastugan
Sa tingin mo ba, maganda ito kung iyong pagmamasdan?

Mga kababaihan na halos ipakita na ang kanilang katawan
Para lang makahatak ng maraming views, likes at sa kahit saan
Mga kalalakihan namang nagkokomento, pinagpipiyestahan
Ito na ba ang mundo ng mga kabataan?

Lahat ng tao pinag uusapan ang Viral
Mga masasamang salita ang binibitawan sa napanood nilang Scandal
Mga pangungutya, maruming salita, panghuhusga'y hindi tinitigilan
Maraming mga taong nakikisawsaw sa buhay ng iba basta lang may mapag-usapan.

Maraming litrato ang mga binababoy
Mga hindi kanais nais na komento ang siyang nagpapatuloy
Mga usapang wala namang patutunguhan
Bata man o matanda, nakikisali na sa mga usapan.

Pati mga litrato ng ating Panginoon ay binababoy na
Kung saan hindi ito kaaya-aya subalit pinagtatawanan pa
Ganito na ba ang patakaran ng pagiging makatao nila?
Bakit binabastos imbis na dapat ay tinitingala?

Usapang Diyos
Huwag kang maging bastos
Kung gusto mong umunlad
Huwag kang gagaya sa iba na ginagawang memes ang mga litrato ni God.

Minsan ang Facebook ay hindi rin maganda ang epekto
Maraming nababastos na tao
Maraming naloloko ang pagkatao
Kung saan maraming taong mapanloko.

Kung isa ka sa mga nagpopost ng ganito
Huwag kang magalit sa' kin dahil iyan ay totoo
Bago post, isipin muna kung 'Kailangan bang ganito ang post ko?'
Para mapaiwas ka sa mga mapanghusgang tao.

Dahil kapag nag post ka,
obligado mong tanggapin ang komento ng iba.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon