63. SUMUSOBRA KA NA

170 3 0
                                    


Alam mo
Pagod na ako
Sobra
Nakakapagod ka na.

Paulit ulit na lang kasi
Malayo na tayo sa dati
Paulit ulit kang nagloloko
Ako naman, pinatatawad ka ng paulit ulit
Kasi sinasabi mo na
“pangako, hindi na mauulit.”

At ngayon,
sagad na sagad na ako
Ubos na ubos na ako sa iyo
Paulit ulit kang nagloloko
Hindi ka pa rin nagbabago.

Akala ko ba huli na iyon?
Huli na ang hiningi mong pagkakataon
Ang sabi mo, magbabago ka na!
Ang sabi mo, muli tayong magiging masaya!

Pero wala namang nangyayari
Bumabalik ka lang sa dati
Kaya tatapusin ko na
Mahal kita pero ayoko ng maging tanga.



SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon