146. MAGHANAP KA NG LALAKI, HINDI BASTA LALAKI LANG

118 1 0
                                    


MAGHANAP KA NG LALAKI, HINDI BASTA LALAKI LANG

Maghanap ka ng lalaki na kahit hindi gwapo
Handa ka namang samahan hanggang dulo
Maghanap ka ng lalaki na kahit hindi man matipuno
Kaya namang ibigay ang hinahangad mong respeto.

Maghanap ka ng lalaki na kahit hindi mayaman
Handa ka namang panindigan
Maghanap ka ng lalaking hindi mapapagod na intindihin ka
Kahit na sumpungin ka sa tuwing ika’y may regla.

Maghanap ka ng lalaking kahit ’di magaling sumayaw o sintunado
Pipilitin pa rin para lang sa ikasasaya mo
Maghanap ka ng lalaking kahit umiinom ng alak o naninigarilyo
Ay kayang mag-kontrol at makinig sa iyo.

Maghanap ka ng lalaking kayang maglaba ng panty mo at bra
Hindi iyong kaya lang itong tanggalin para sa saglit na romansa
Maghanap ka ng lalaking kahit walang sasakyan
Handa ka namang ipakilala sa buo niyang pamilya o angkan.

Maghanap ka ng lalaking kahit hindi nakapag-tapos ng pag-aaral
Ay kaya ka namang dalhin sa simbahan at iharap sa altar
Maghanap ng lalaking kayang dumanas sa salitang hirap
Hindi iyong lalaking ang alam lang ay puro pasarap.

Maghanap ka ng lalaking kahit hindi man matalino
Kaya ka namang iharap at ipakilala sa mga tao
Maghanap ka ng lalaking kahit maraming wala sa kanya
Alam naman ang salitang pagpapahalaga.

Maghanap ka ng lalaking alam ang salitang kuntento
Kahit sabihin ’pang maraming kulang sa iyo
Maghanap ka ng lalaking kahit hindi man kagwapuhan
Sa puso nama’y may mabuting kalooban.

Maghanap ka ng lalaking handa kang protektahan
Maghanap ka ng lalaking kaya at handa kang ipaglaban
Maghanap ka ng lalaking kaya kang panindigan
Maghanap ka ng lalaking sa bawat problema’y hindi ka iiwan.

Maghintay ka ng tamang lalaki na para sa iyo
Yung lalaking hindi paluluhain ang mga mata mo
Yung lalaking hindi babahiran ng sakit ang iyong puso
Yung lalaking mamahalin ka nang buong-buo.

Maghanap ka ng lalaki, hindi basta lalaki lang.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon