70. HINANAING

163 1 0
                                    


HINANAING

Lahat ng problema, nalulutasan
Lahat ng paghihirap, nalalagpasan
Lahat ng pagsubok, nasusulusyunan
Pero ang tanong ko, bakit hindi mabigyan ng kasagutan?

Sa dinarami-rami ng tao sa mundo
Bakit pamilya ko’pa ang napili mo?
Binigyan ng napakadaming problema, bakit ganito?
Binigyan ng napakadaming katanungan, sana matugunan mo.

Yung Tatay ko na walang ibang ginawa kundi ang magtrabaho
Na minsan nalang kung umuwi para ang pangangailangan namin ay masusutento
Pero bakit sa dinarami-rami ng tao sa mundo?
Bakit yung Papa ko agad ang kinuha mo?

Nung nawala sya, para akong sinapak
Sinapak ng paulit-ulit sa katotohanan na ako ang hinahatak
Ang pamilya na kahit naghihirap ay mistulang mas lalong nawasak
Pamilyang unti-unting nagkakawatak-watak.

Dinumog ng salitang kalungkutan
Nagkasunod-sunod ang problemang hindi kayang lutusan
Nagkadugtong-dugtong ang paghihirap na hindi alam kung malalagpasan
Nalugmok sa pagsubok na hindi ko talaga nagustuhan.

Dumaan ang dalawang taon
Katulad ng sakit ng Papa, ang Mama ay nagkaroon
Talaga bang nanandya ang panahon?
Kami nalang ba talaga ang lagi, Panginoon?

Ang sakit ni Mama, mabuti ay nadaan sa gamutan
Ang paglalakad at pagsasalita ay hindi naapektuhan
Salamat Panginoon, ang dasal ko’y iyong pinakinggan
Ang lahat ng hinaing ko, ay binigyan mo ng kasagutan at kahulugan.

Lumipas ang limang taon, ngunit parang ganun parin
Mga problemang hindi pa kayang lutasin
Mga pagsubok na hindi alam kung paano haharapin
Mga tanong ko na hindi ko rin kayang sagutin.

Panginoon, kailang matatapos ang mga problemang ito?
Kailan matutuldukan ang paghihirap ng pamilya ko?
Bakit ganito ang sitwasyon ng aming mundo?
Ang lahat ay sobrang komplikado.

Bilang isang anak, nahihirapan din ako
Sa tuwing pagmamasdan ko ang Mama ko sa malayo
Ang laki ng pinayat ni Mama, sa kakatrabaho
Sa edad na 52, diba dapat nasa bahay nalang ito?

Pero sadyang maloko ang pagkakataon
Parang mas lalo pa kaming binabaon
Kailan ba kami makakaahon?
Kung makakaahon kami, kailan ang tamang panahon?

Limang taon, simula nang mawala ang Papa
Tumigil kami sa pag-aaral dahil hindi yun kaya ni Mama
Lumipat kami ng tirahan at nagsama-sama
Pero hindi pa yun sapat para makalimutan ang nakaraang kung saan buo pa ang aming pamilya.

Ngayon, hindi ko masasabi unti-unti kaming nakakaahon
Pero ang masasabi ko ay masaya kami ngayon
Sa bawat araw na lumilipas, lumalago ang bawat panahon
At ipinapasalamat ko iyon sa iyo, aming Panginoon.

Bilang isang anak, ayokong makita ang Mama ko na nahihirapan
Na makita sa mukha nya ang pagod, ako’y pinanghihinaan
Na makita sa mukha nya ang ibigsabihin ng pagod pero pilit na nilalabanan
Bilang isang anak, ayokong makita ang Mama ko na umiiyak at

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon