48. IKAW LANG AT AKO

397 11 0
                                    

IKAW LANG AT AKO

Gusto kong malaman mo
Na bahagi ka narin nang buhay ko
Nais na iparamdam sayo
Na isa ka sa bumubuo ng aking mundo.

Hindi ka 'man matanaw
Sa presensya mo, ako’y uhaw
Kailan kaya darating ang araw
Na ika’y aking maisasayaw?

Nais hawakan ang iyong kamay
Tapos sabay tayong maglalakbay
Pagmamahal ang tanging iaalay
Para sayo, handa akong maghintay.

Tiwala sa akin, sana’y di mawala
Pag-ibig mo, sana’y di magsawa
Pagtingin sa isa’t-isa, sana’y di mag-iba
Siyang pagmamahal sana ako parin, sinta.

Malayo ’man ang ating pagitan
Mangangakong hindi kita iiwan
Hindi ka ’man makita sa malapitan
Tanging boses mo lang ang aking panghahawakan.

Pero minsan hindi pa’rin mapigilan
Yung mga bagay na nais ko rin na maranasan
Ngunit hindi maaari at kailanman
Dahil malayo ang ating pagitan.

Yung tipong kaya kitang lapitan
Yung kamay mong aking hahawakan
Yung kahit kailan kaya kitang titigan
Yung kaya kitang yakapin at halikan.

Pero kahit na malayo ka
Na malayo tayo sa isa’t-isa
Ikaw lang at tayong dalawa
Na tayo lang at wala nang iba.

Bibilang ako
Isa, dalawa, tatlo
Ako ay mangangako
Na hindi magbabago.

Apat, lima, anim
Ikaw ang aking liwanag sa dilim
Pito, walo, syam at sampu
Ikaw lang at ako.

Love, sana walang magbago
Sana walang susuko
Oa man kapag mabasa mo’na ito
Pero sadyang mahal lang talaga kita kaya nakasulat ako ng ganito.

Love, Te Amo
Ikaw lang hanggang dulo
I love you
Sayo lang ako.

Love, Saranghae
Hindi ako nagsisisi
Mahal kita
Mahal na mahal kita sobra-sobra.

Bilang isang makata
Tutuparin ang bawat salita
Mahal kita hindi man halata
Ikaw at ako, sana tayo na ang itinadhana.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon