180. 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗞𝗜𝗧𝗔

167 5 0
                                    

BIBITAWAN NA KITA

Saksi ang buwan at mga tala
sa gabi gabing aking pagluha
ayoko ng ganito
pakiramdam ko, dinudurog ako
ng sakit, ng lungkot
ng pait at ng poot.

Ikaw ang dahilan
kung bakit ako nasasaktan
ikaw ang dahilan
kung bakit ako nahihirapan
dahil ang sabi mo
hindi ka magbabago.

Sabi mo;
hindi mo ako sasaktan
hindi mo ako pababayaan
hindi mo ako iiwan
Pero lahat ng iyon;
hanggang salita lang
bakit umalis ka?
bakit, iniwan mo akong mag-isa?

Kasabay ng paglaho mo
ang pagguho ng mundo ko
ang pagguho ng mga pangarap
nating dalawa
ay mananatili na lang
sa nakaraan at ala-ala.

Mahirap para sa akin
na kalimutan ka
pero kailangan
dahil ayaw ko ng mas masaktan pa.

Ang iyong paglisan
ng walang sapat na dahilan
ang siyang nagpatunay
na hindi mo ako mahal ng lubusan.

Ang pagbitaw mo
sa mga kamay ko ng biglaan
ang nagsasabing
hindi ikaw ang taong sa akin na nakalaan.

Kaya ngayon,
pinapangako ko
na magiging isa ka
sa aking nakaraan
na hindi ko na gugustuhin
pang balikan.

Bibitawan na kita.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon