129. INIWAN LANG SA ERE

102 1 0
                                    


INIWAN LANG SA ERE

Akala ko sabi mo
Na ikaw lang at ako
Na walang magbabago
Na tayo lang sa dulo.

Pero nasaan ka'na?
Nasaan ang salita?
Katagang mahal kita?
Na tayo ay iisa?

Ang ikaw at ako
Ay biglaang naglaho
Maging mga pangako
Mistulang naging bato.

Iniwan na mag-isa
Matang lumuluha
'Di makapaniwala
Sakit ang nadarama.

Ang mga alalala
Ay nasa puso ko'pa
Para kang isang bula
Bigla nalang nawala.

Masakit pa’rin sakin
Hindi kayang isipin
Na hindi ka'na akin
Hindi na pipilitin.

Kahit mahal pa kita
Siguro nga, tama na
Ayoko nang umasa
Umasang babalik pa.

Tama na, ayoko na
Ang sakit na talaga
Ayoko ng ganito
Na ako'y sinuko mo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon