Chapter 125: Sino si Sabrina?

3 0 0
                                    

"S-sino ka ba? Bakit kamukhang-kamukha kita?" nalilitong tanong ni Leslie.

"H-hindi ko rin alam. Sino ka ba? Bakit mo ginagaya ang mukha ko?" tanong ng babae.

"Hindi ko alam. Hindi kita ginagaya. Baka ikaw?" tugon ni Leslie.

"Hindi rin. Ano bang pangalan mo?" tanong ng babae.

"A-ako si Leslie. Ikaw, anong pangalan mo?" tugon ni Leslie.

"Ako si Sabrina. Sabrina Esquivel. Ano bang meron sa ating dalawa at magkamukha tayo?" tanong ni Sabrina.

"H-hindi ko alam. Alam mo, mabuti pa siguro, kunin ko 'yung number mo." tugon ni Leslie.

"Sige, eto ang number ko. Kunin mo. Gusto kong malaman kung sino ka ba talaga. Hindi ko alam kung bakit magkamukha tayo." sambit ni Sabrina.

"Hindi ko rin alam, Sabrina. Itatanong ko kay itay kung bakit tayo magkamukha. Ang alam ko, wala akong kakambal. Hindi ko alam kung bakit kamukha kita." tugon ni Leslie.

—————

Nang makauwi si Sabrina sa kanilang mansyon, sinalubong siya ng kaniyang ina.

"Anak! Mabuti naman at nakauwi ka na. Kamusta ang gala mo with friends?" tanong ng ina ni Sabrina na si Martha.

"Mommy, please tell me the truth. Tell me!" tugon ni Sabrina.

"What? What do you want to know?" tanong ni Martha.

"Mommy, please be honest. Do I have a twin? May kakambal ba ako, ha?" tanong ni Sabrina.

Hindi nakasagot si Martha. Hindi niya alam kung bakit ito ang tinatanong ng anak niya.

"Of course, wala. Bakit mo naman tinatanong 'yan?" tugon ni Martha.

"Mommy, don't lie to me. Alam kong meron akong kakambal. Alam kong meron! Please, don't lie to me!" sambit ni Sabrina.

"Anak, wala nga talaga. Ano bang pinagsasabi mo? Ha? Ano bang pumasok sa kokote mo at tinatanong mo 'yan?" tanong ni Martha.

"Anong pumasok sa kokote ko, mommy? Mommy, may nakita akong babaeng kamukhang-kamukha ko kanina! Nagulat nga ako kung bakit nakikita ko ang mukha ko sa kaniya eh! Mommy, parang ako talaga 'yung nakita ko! Hindi ako pwedeng magkamali! Mommy, kitang-kita ng dalawang mata ko na kamukha ko siya at nakabangaan ko siya mismo sa harapan ko!" tugon ni Sabrina.

"Wait, what? That's impossible! Wala kang kakambal, anak! Wala kang kapatid, remember? How did that even happen?" tanong ni Martha.

"I don't know, mommy! Iniwan ko 'yung number ko sa babaeng 'yon. I hope that she calls us." tugon ni Sabrina.

—————

Dali-daling bumalik si Leslie sa ospital kung nasaan naroon si Janice. Tumakbo siya at hingal na hingal siya.

"Oh, Leslie? Anong nangyari sayo? Bakit parang pagod na pagod ka?" tanong ni Karen.

"Ate, may nakita akong babaeng kamukhang-kamukha ko. Hindi ko alam kung sino siya, pero iniwan niya sa akin 'yung numero niya. Ate, kahit siya nagtataka kung bakit ko siya kamukha. Ate, natatakot ako. Paano kung may impostora ako?" tugon ni Leslie.

"A-ano? Ano bang sinasabi mo, Leslie? Impostora? Sino namang gagawa nun? At bakit naman niya gagayahin ang mukha mo?" tanong ni Karen.

"Hindi ko alam, ate. Hindi ko alam! Pero papaano kung siya si Roxanne? Papaano kung nagpa-opera siya dahil gusto niyang maghiganti sa atin? Papaano kung siya nga 'yon?" tugon ni Leslie.

"Les, hindi totoo 'yan. Hindi. 'Wag mong isipin 'yan." naluluhang sambit ni Karen.

"Ate, please, magsabi ka nga sa akin ng totoo! May kakambal ba ako?" tanong ni Leslie.

Napatigil si Karen. Hindi niya alam ang isasagot niya.

"Ano, ate? Bakit hindi ka makasagot? Bakit hindi ka makapagsalita? Ano, ate?" muling tanong ni Leslie.

"S-sorry." mahinang tugon ni Karen.

"Ate, anong sorry? May alam ka ba tungkol dito?" tanong ni Leslie.

"Les, I-I'm sorry. Hindi ako ang makakasagot ng tanong mo. Mas mabuti pa siguro kung si itay nalang muna ang magpapaliwanag. Leslie, patawarin mo ako. Patawarin mo kami." tugon ni Karen.

"So ibig sabihin, may nawawala akong kapatid?" tanong ni Leslie.

Hindi nagsalita si Karen. Tumango na lamang siya bilang pagtugon.

"So totoo nga, ate? Bakit ngayon ko lang nalaman?" tanong ni Leslie.

"S-sorry, Leslie. S-sorry kung hindi namin kaagad nasabi 'to." tugon ni Karen.

—————

Nang makauwi sila sa bahay, kaagad na tinanong ni Leslie ang kaniyang ama tungkol sa kaniyang katauhan.

"Tay, please explain! Please ipaliwanag mo sa amin ang lahat! Ipaliwanag mo sa amin kung bakit ganito? Tay!" sambit ni Leslie.

"Anak, hayaan mo akong magpaliwanag sayo. Hayaan mo akong ikwento ang lahat tungkol sa pagkatao mo. Anak, mahabang kwento ang nangyari sa inyo ng kakambal mo." tugon ni Rico.

"Tay, kailan niyo pong balak magkwento?" tanong ni Leslie.

"Anak, gusto ko sana, kapag nag-kwento ako, nandito ang kakambal mo. Gusto kong marinig din niya ang lahat ng sasabihin ko." tugon ni Rico.

—————

"Mama, kamusta na po si Janice? Bumubuti na po ba ang lagay niya?" tanong ni Edward.

"Wala pa ring improvement, anak. Hindi ko rin alam kung bakit. Sana, gumaling na siya." tugon ni Rita.

"Ma'am Rita, gagaling siya, 'di ba? Gagaling siya?" tanong ni Mariel.

"Mariel, hindi ko alam. Pero ipanalangin natin na sana, sana walang masamang mangyari sa kaniya. Sana, magising na siya. At sana, gumaling na siya." tugon ni Rita.

"Ma'am, ano po ba talagang totoong nangyari sa kapatid ko? Bakit po ba siya nabaril?" tanong ni Mariel.

—————

Kaagad naalala ni Leslie ang numerong binigay ng kamukha niyang babae. Kaagad niyang tinawagan ito.

"H-hello? Sabrina?" tanong ni Leslie.

"I'm sorry, who is this? At anong kailangan mo sa anak ko? Bakit ka tumatawag sa kaniya?" tugon ni Martha na mula sa kabilang linya.

"Pasensiya na po, ako po si Leslie. Ako po ang kakambal ng anak ninyo. Gusto ko po namin siyang makausap." sambit ni Leslie.

"What the hell are you saying? Kakambal? Nasisiraan ka ba ng ulo, iha? Why are you saying na ikaw ang kakambal ng anak ko?" tanong ni Martha.

"Dahil 'yun po ang totoo. Sinabi na po sa akin ng ate ko ang totoo. Si Sabrina po ang nawawala kong kapatid. Si Sabrina po ang kakambal ko. Siya po ang babaeng nakasalubong ko kanina na kamukhang-kamukha ko." tugon ni Leslie.

Kinabahan si Martha. Natakot siya dahil baka bawiin sa kaniya si Sabrina. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi talaga niya anak si Sabrina. Minahal niya si Sabrina ng parang tunay na anak. Natatakot siyang baka mabawi si Sabrina sa kaniya.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now