Chapter 27: Lumiliit na Mundo

10 3 0
                                    

"Eh gaanong katagal naman bago mayari 'yun?" tanong ni Mindy.

"Hindi ko rin alam, Mindy. Pero sana nga, sana mayari na 'yung switching machine para makabalik na si ate sa katawan niya." tugon ni Leslie.

—————

"Hello, Karen, napatawag ka?" tanong ni Karen sa telepono.

"Hello, Roxanne! Uhm, pwede ba kitang maimbitahan? Birthday kasi ni Edward, kung ayos lang ba sayo na pumunta rito?" tanong ni Roxanne.

"Sure, pero okay lang ba kung isama ko si Mommy?" tanong nito.

"Sure. Pwedeng-pwede. Pwede kahit sinong isama mo." ani Roxanne.

"Sige, sige. Pupunta na kami d'yan." sambit ni Karen.

"Sige. Hihintayin ko kayo." tugon ni Roxanne at ibinaba ang telepono.

Pagkatapos niyang matawagan si Roxanne ay kaagad naman niyang tinawagan si Bella.

"Hello, Bella?" sambit ni Roxanne.

"Oh, Karen? Napatawag ka? Anong atin?" tanong ni Bella.

"Birthday kasi ni Edward, may pa-surprise birthday party kami sa kaniya, eh kung pwede sana kayo dito pumunta ngayon?" ani Roxanne.

"O sige. Pero, bakit parang nag-iba 'yung boses mo?" nagtatakang tanong ni Bella.

"A-ah, ipapaliwanag ko nalang sayo mamaya. Nga pala, papunta na rin dito si Ariana. Isama mo si tita Amy, ha?" ani Roxanne.

"Ok, sige. Papunta na kami d'yan." sambit ni Bella.

"Sige, ingat!"

Makalipas ang ilang minuto, tumunog ang doorbell nila Karen. Kaagad niyang binuksan ang pinto at tinignan kung sino ito.

Si Bella. Kasama niya si Amy.

Napatingin si Bella kay Karen na nasa katawan ni Roxanne.

"Ikaw?" tanong ni Bella.

"Bella, ako 'to, si Karen!" tugon ni Roxanne.

"Anong Karen na pinagsasabi mo? Hindi ikaw ang pinsan ko! Hindi ba, ikaw 'yung mataray na babae na nakabanggan ko dati?" tanong ni Bella.

"Insan, let me explain. Ako 'to, si Karen. Ako ang pinsan mo." ani Roxanne.

Ipinaliwanag ni Karen ang lahat kay Bella hanggang sa maging malinaw na ang lahat sa kaniya.

"Ano? Switching machine? Ano 'yun?" tanong ni Bella.

"'Yun 'yung ginamit namin ni Roxanne para magkapalit kami ng katawan," tugon ni Roxanne.

"Pero, paano ka ulit makakabalik sa katawan mo kung sira 'yung switching machine?" tanong ni Bella.

"Kailangang mayari 'yung switching machine para makabalik ulit ako sa katawan ko." ani Roxanne.

"Eh kelan pa kaya mayayari 'yun?" tanong ni Bella.

"Hindi ko alam, Bella. Hindi ko alam. Pero sana magawa na 'yun sa lalong madaling panahon para makabalik na ako sa katawan ko." ani Roxanne.

"Sana nga, makabalik ka na sa katawan mo." tugon ni Bella.

—————

"Hello, friend? Andito na 'ko sa labas ng bahay niyo!" ani Ariana.

"Teka lang, Ariana. Andyan na 'ko." sambit ni Roxanne sabay baba ng telepono.

Sakto namang dumating sina Roxanne at Vicky. Nakita ni Ariana si Roxanne na nasa katawan ni Karen.

The SwitchWhere stories live. Discover now