Chapter 35: The Secret

7 3 0
                                    

"Hello, Nay. Well, nagtagumpay ako sa plano ko." ani Karen.

"Talaga, anak? Nasa mansyon ka na ba ngayon?" tanong ni Vicky.

"Oh, yes, Nay. Nandito na ako sa mansyon. At ang alam ni Edward, ako ang asawa niya. Pero, kailangan ko pa ring maghanda dahil baka sabihin ni Karen ang totoo kay Edward. Hindi niya pwedeng malaman 'yon." sambit ni Karen.

"So, anong gagawin mo?" tanong ni Vicky.

"Ano bang ginagawa ng mga kontrabida sa mga pakialamera? Edi dinidispatsa. Well, pahihirapan ko muna 'tong si Karen bago ko siya dispatsahin." tugon ni Karen.

"Eh, bakit didispatsahin mo agad si Karen? Wala ka na bang ibang balak gawin sa kaniya?" tanong ni Vicky.

"Well, Nay, kailangan ko nang ma-eliminate si Karen sa buhay ni Edward. Si Edward lang naman ang kailangan ko." tugon ni Karen.

"O sige, anak. Galingan mo ha. Don't worry, anak. Tutulungan kita. Kung ikaw, kaaway mo si Karen, well ako, kaaway ko si Magda. And kapag nagsanib-pwersa tayo, mapapabagsak natin sila at makukuha natin ang mga gusto natin." ani Vicky.

"Tama ka d'yan, Nay. O siya sige, dito muna ako sa asawa ko. Kailangan ko pa siyang alagaan." sambit ni Karen.

"Sige, anak. Galingan mo ha, bye!" tugon ni Vicky at ibinaba ang telepono.

Napangiti si Roxanne.

"Well, Karen, masaya na ako na maging ikaw. At hindi ko na hahayaan na agawin mo sa akin ang pwesto ko. Hindi na ako papayag. I'm sorry, but I have to eliminate you. Baka kasi, lalo mo lang guluhin ang buhay namin ni Edward. But don't worry, iingatan ko naman siya at mamahalin, aalagaan, at pasasayahin. Ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng pagmamahal na 'di mo kayang ibigay sa kaniya." sambit ni Karen at ngumiti ng nakakaloko.

Maya-maya lamang ay lumabas na ng banyo si Edward.

"Hon, sinong kausap mo kanina?" tanong ni Edward.

"K-kausap? Ah, si Bella. Tinatanong niya kung kamusta na ako dito sa katawan ko. Sabi ko, okay lang." tugon ni Karen.

"O siya sige, hon. Magbibihis na muna ako." sambit ni Edward.

"Sige. Aayusin ko na mga gamit mo." tugon ni Karen.

—————

"Ano, anak? Handa ka na bang sabihin ang totoo kay Edward?" tanong ni Magda.

"Opo, Nay. Ready na po ako. Sana po, maniwala sa akin si Edward." tugon ni Roxanne.

"Oo naman, anak. Sigurado ako. Sigurado ako na maniniwala siya sayo." sambit ni Magda.

"Salamat po, Nay." tugon ni Roxanne.

—————

"Hon, alis na muna ako. Ikaw na munang bahala rito." sambit ni Edward.

"Sige, hon. Mag-iingat ka." tugon ni Karen.

"Anak, uwi ka maaga ha." sambit ni Rita.

"Yes, Ma. Sige po, alis na ako." tugon ni Edward at tsaka umalis.

Napalingon naman si Rita kay Karen.

"Hoy ikaw, Karen, magluto ka ha. Magpapahinga ako, at ayoko ng maingay. Mamalengke ka na rin." sambit ni Rita.

"Ako pa inutusan." bulong ni Karen sa sarili.

"A-ano kamo? May sinasabi ka ba, Karen?" tanong ni Rita.

"W-wala po, Mama. Sabi ko po, magluluto na po ako at mamamalengke. Magpahinga na po muna kayo." tugon ni Karen.

"Mabuti kung ganon. Aakyat muna 'ko." ani Rita at umakyat sa hagdan patungo sa kaniyang kwarto.

Nainis si Roxanne sa asal ng ina ni Edward.

"Bahala ka. Hindi ako magluluto. Nakakatamad." sambit ni Karen.

Nagulat naman si Roxanne nang bigla niyang marinig ang doorbell. May tao sa labas.

"Jusko naman kung maka-doorbell 'to, bubulabugin ang bahay, sandali lang! Ano ba, sino ba 'to?" sambit ni Karen.

Nagulat si Roxanne nang makita si Karen.

"Oh, hi Karen!" sambit ni Karen.

"'Wag mo akong ma-Karen Karen. Ibalik mo sa akin ang asawa ko!" sigaw ni Roxanne.

"Asawa? Anong asawa? Sino, si Edward? Well, hindi mo na siya asawa, dahil ako na ang asawa niya. Ako si Karen, right?" tanong ni Karen.

"Anong ikaw si Karen? Ako ang totoong Karen. Oo, ikaw si Karen sa pisikal na anyo, pero, ako pa rin ang totoong Karen!" tugon ni Roxanne.

"Oh, shut up! Well, I'm gonna be the new Karen. At, wala kang magagawa para pigilan ako." ani Karen.

"Meron. Meron akong magagawa. Nasaan si Edward? Ilabas mo si Edward para masabi ko ang totoo!" sigaw ni Roxanne.

"Well, timing na timing ka. Wala rito si Edward. Umalis siya." tugon ni Karen.

"Nasaan siya? Nasaan si Edward?" sigaw ni Roxanne.

"Pwede ba, 'wag ka ngang mag-iskandalo rito! Tumigil ka! Wala siya rito!" ani Karen.

"Alam kong nandyan si Edward. Ilabas mo siya! Ilabas mo siya Roxanne! Kapag hindi mo siya inilabas, ipangangalandakan ko dito sa buong village ang pagkatao mo!" sigaw ni Roxanne.

"Hindi ako papayag na sirain mo ang plano ko!" sambit ni Karen at kumuha siya ng isang bato at ipinukpok ito sa ulo ni Roxanne.

Nawalan ng malay si Karen. Bahagyang dumugo ang ulo niya, ngunit tumigil rin ang pag-agos ng dugo kalaunan. Pagkatapos, dinala siya ni Roxanne sa loob ng kwarto niya.

Nang madala ni Roxanne si Karen sa kwarto nila ay wala pa rin itong malay. Kaagad tinawagan ni Roxanne ang kaniyang mga tauhan.

"Hello, Tonio? Nasaan ka ngayon? Pumunta ka rito sa Sunflower Village. Nandito ako. May kailangan akong ipagawa sayo." sambit ni Karen.

"Hello, ma'am Roxanne? Saan po kayo sa Sunflower Village?" tanong ni Tonio.

"Nandito ako sa pangatlong bahay. Una, pagkapasok mo sa village, lumiko ka sa kanan. At puntahan mo ako sa pangatlong bahay. Nandito ako." tugon ni Karen.

"Sige po, ma'am. Papunta na po ako." ani Tonio.

"Sige, bilisan mo."

Ibinaba ni Roxanne ang telepono.

"Mukhang kakailanganin ko ang tulong ng kaibigan. Sino kayang kaibigan ang pwede kong malapitan?" sambit niya sa sarili.

"Si Mystie! Kailangan ko si Mystie! Kailangan ko ang tulong niya para magtagumpay ako sa mga plano ko!" dagdag pa niya.

Hindi na siya nag-dalawang isip na tawagan si Mystie. Kaagad siyang nakipag-ayos dito.

"Hello, Mystie?" sambit ni Karen.

"Friend? I-ikaw ba 'yan? H-hindi ka na ba galit sa akin?" tanong ni Mystie.

"I'm sorry, Mystie sa mga nagawa ko sayo. Patawarin mo ako. I need your help." tugon ni Karen.

"Help? Help saan?" tanong nito.

"I need your help to succeed on my plans." tugon niya.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now