Chapter 8: Arrival

20 2 0
                                    

"Na-dengue siya. Ang dami ngang bayarin dito sa ospital eh." tugon ni Bella.

"Naku, pupuntahan ka namin dyan." sambit ni Karen.

"Sige, ako rin. Sasama ako." tugon ni Ariana.

"O sige, sige. Magkita-kita nalang tayo dito. Hihintayin ko kayo." sambit ni Bella.

Nang makarating sina Karen at Ariana sa ospital, nakita nila na naka-admit si Amy.

"Tita Amy! Bella!" sambit ni Karen.

"Bella? Anong nangyari kay tita?" tanong ni Ariana.

"Karen, Ariana, may dengue ako." tugon ni Amy.

"Naku tita, magpagaling po kayo." sambit ni Karen.

"Get well soon po, tita." sambit ni Ariana.

Nakita nila si Bella na nakaupo lamang at walang imik.

"Bella, anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" tanong ni Karen.

"Alam mo, Insan, ang dami ko kasing iniisip eh. Pasensiya ka na, pero hindi kasi talaga namin alam kung saan kami kukuha ng pambayad dito sa ospital." tugon ni Bella.

"Naku, Bella. Don't worry, kami na ni Edward ang bahala sa mga bayarin ninyo dito. Sigurado naman ako na ayos lang kay Edward 'yun." sambit ni Karen.

"Taray dai ang yaman niyo talaga!" tugon ni Ariana.

"Insan, huwag na. Ayoko na kayong abalahin. Ayoko naman na may masabi pa sa amin si Edward. Hayaan niyo na kami, Karen. Salamat nalang." sambit ni Bella.

"No, no, no, Bella. Tanggapin mo ang tulong namin. Pinsan kita, bestfriend ko si Ariana. Kaya kung may kailangan kayo, handa kaming tumulong. Please, huwag mo na akong tanggihan." tugon ni Karen.

"Naku, Insan. Maraming-maraming salamat. Hindi mo naman 'to kailangang gawin eh." sambit ni Bella.

"Salamat, Karen ha. Napakabait mong bata talaga. Hulog ka ng langit." sambit ni Amy.

"Wala po 'yun, tita Amy." tugon ni Karen.

"Naku dai, ang swerte talaga natin dito kay Karen." sambit ni Ariana.

"Wala 'yun." tugon ni Karen.

----------

"Edward, is it okay na tulungan natin si Bella? May sakit ang nanay niya. May dengue si Tita." sambit ni Karen.

"Of course, hon. It's okay. Pinsan mo naman si Bella, and hindi na rin naman sila naiiba sa atin." tugon ni Edward.

"Salamat, Edward. Alam mo, hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang pinakasalan ko. Napakabait mong tao." sambit ni Karen.

"Naku, Karen, binola mo nanaman ako. By the way, bukas ng hapon darating si Mama, and gusto ko sana na maging okay kayo sa isa't-isa." tugon ni Edward.

"It's okay, hon. Sana nga, maging okay kami ni Tita sa isa't-isa." sambit ni Karen.

----------

"Karen, are you ready to go to the airport?" tanong ni Edward.

"Yes, hon. Handa na ako." tugon ni Karen.

"Sige hon, bababa na ako sa sasakyan. Sumunod ka na." sambit ni Edward.

"Sige hon. Bababa na rin ako. Aayusin ko lang 'tong gamit ko. Mabilis lang 'to." tugon ni Karen.

"Sige." tugon ni Edward.

Lumabas si Edward galing sa kwarto at pumunta sa sasakyan. Naiwan si Karen sa kwarto.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na rin si Karen sa kwarto.

The SwitchWhere stories live. Discover now