Chapter 148: Nagliliyab

3 0 0
                                    

"Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala, April. Ginawa lahat ni Martha 'yon? Nang dahil sa kaniya, namatay ang asawa ko. Namatay ang tito mo. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit lahat na lang ng mga mahal ko sa buhay, nawawala. Si Mystie, at si Nelson. Hindi ko maintindihan." sambit ni Nerissa.

"Tita, hindi pa nawawala ang lahat ng mga mahal mo sa buhay. Nandito pa ako. At tsaka, sina Karen at ang pamilya niya, 'di ba?" tugon ni April.

"Oo, April. Hindi pa lahat nawawala. Pero, hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan pang mawala nina Mystie at ni Nelson. Hindi ko talaga maintindihan." sambit ni Nerissa.

"Siguro nga tita, ganun talaga ang kapalaran nila. Pero 'wag kang mag-alala, dahil bibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay nila." tugon ni April.

"Pero si Mystie, nakamit na niya ang hustisya dahil patay na si Roxanne. Patay na ang taong pumatay kay Mystie. Pero si Nelson, hindi pa. Dahil buhay na buhay pa ang taong pumatay sa kaniya. At hindi sapat sa akin na makulong lang si Martha. Kailangan niyang magdusa. Kailangan niyang magbayad. Wala akong pakialam kahit na makulong ako. Gusto kong ipaghiganti si Nelson. Gusto kong ipaghiganti ang pagkamatay niya." sambit ni Nerissa.

—————

"Ma'am Rita, inom na po kayo ng gamot ninyo." sambit ni Iris habang pinapainom ng gamot si Rita.

Iniabot ni Iris ang gamot kay Rita. Ininom naman ito ni Rita. Kahit na, pagod na pagod na si Ritang uminom ng kaniyang gamot, pinipilit niya para lamang ay gumaling siya sa kaniyang sakit.

"Salamat, iha." tugon ni Rita.

"Ay ma'am, magpapaalam lang po sana ako. Aalis lang po ako saglit. Bibisitahin ko lang po sana 'yung kapatid ko." sambit ni Iris.

"S-sige, iha. Basta, bumalik ka kaagad." tugon ni Rita.

"Sige po ma'am, salamat po." ani Iris.

Pagkatapos noon, lumabas si Iris sa kwarto ni Rita. Doon niya planong isagawa ang plano niya. Plano na niyang sunugin ang bahay nila Karen.

"Humanda kayo, Karen. Ito na ang araw na matutusta kayo at magiging lechon." sambit ni Iris sa sarili niya at tumawa pa.

Nang pumunta si Iris sa sala, wala ni sinumang taong naroon. Si Karen ay natutulog sa kaniyang kwarto. Samantalang si Edward naman ay pauwi pa lang galing sa trabaho.

"Well, kawawa naman kayo. Masusunog na kayong lahat." sambit ni Iris at inilabas ang isang lighter.

Naglakad siya patungo sa may bintana at sa mga kurtina. Dahan-dahan niyang sinunog ito gamit ang lighter na hawak niya.

"Goodbye everyone. May you all burn in hell!" sambit pa niya at dali-daling tumakbo papalabas ng pinto.

—————

"Oh, anak? Ano na namang ginagawa mo rito? Hindi ba, may trabaho ka?" tanong ni Vicky nang umuwi si Roxanne sa bahay nila.

"Nay, don't worry. Nagpaalam ako sa kanila na aalis ako. I'm sure naman na hindi nila malalaman na nandito ako. Wala naman akong nakitang sumunod sa akin." tugon ni Iris.

"Then, good! Pero teka, ano bang sadya mo at nandito ka?" tanong ni Vicky.

"Well, I'm here dahil may maganda akong ibabalita sayo." tugon ni Iris.

"At ano naman 'yon, Roxanne?" tanong ni Vicky.

"Well, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Pero, sinunog ko ang bahay nila Karen. I hope, masunog na silang lahat para ng sa ganon, mawala na ang lahat ng mga problema ko." tugon ni Iris.

"W-what? Ginawa mo 'yon?" tanong ni Vicky.

"Of course, nay. Kaya kung ako sayo, don't be surprised kung malaman mong sunog na silang lahat." tugon ni Iris.

"Eh teka, paano mo naman nagawa 'yon? Paano mo sinunog nang hindi nila nakikita?" tanong ni Vicky.

"Well, si Rita, nasa kwarto niya. At si Karen naman, tulog na tulog. Tapos si Edward, nasa work. Kaya hindi nila napansin na umaatake na pala ako." tugon ni Iris.

"Ang galing mo dun, 'nak! I'm so proud of you! Well, mabuti na lang at nakapasok ka sa mansyon. Pwes, makakaganti na tayo sa kanila. Kung noon, pinalayas tayo nila Karen sa bahay natin, ikaw naman, sinunog mo ang bahay nila. Good job!" sambit ni Vicky.

"Thank you, nay! Well, para-paraan lang 'yan." tugon ni Iris.

—————

Karen's POV

Masarap na ang tulog ko. Ngunit sa 'di malamang dahilan, ako ay nagising. Hindi ko maintindihan pero parang may mali.

Tiningnan ko ang aking paligid. Nagulat na lamang ako nang mapansin kong parang may pumapasok na usok sa ilalim ng aking pinto.

Dali-dali kong binuksan ang pinto. Nagulat ako nang makita ko ang bahay namin na nasusunog.

"Mama!" sigaw ko.

Dali-dali kong pinuntahan si Mama sa kaniyang kwarto.

"Oh, iha? Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw?" tanong niya.

"Mama, nasusunog ang bahay natin! Kailangan kong tawagan si Edward!" tugon ko.

"A-ano? Sige, tawagan mo na!" sambit ni Mama.

Dali-dali akong bumalik sa aking kwarto upang kunin ang aking telepono. Kaagad kong tinawagan si Edward.

"Hon, please sumagot ka!"

Maya-maya lamang ay sumagot na siya.

"Hon, bakit ka napatawag? Pauwi na 'ko. Anong meron?" tanong niya.

"Hon, please come home now! Nasusunog ang bahay natin! Paakyat na 'yung apoy dito sa second floor!" tugon ko.

"What? Sige, pabalik na 'ko! Tatawag na rin ako ng bumbero!" sambit niya.

"Sige hon, bilisan mo!"

Kaagad kong ibinaba ang telepono. Tinabihan ko si Mama para hindi siya matakot.

"Mama, nasaan po ba si Iris? Ano po bang nangyayari?" tanong ko.

"Karen, nagpaalam sa akin si Iris. Aalis daw siya. Bibisitahin niya raw 'yung kapatid niya." tugon niya.

Hindi nagtagal ay lumakas ng lumakas ang apoy. Kasabay nito ang pagdating ni Edward. Nakita ko siyang nasa labas ng bahay.

"Hon! Tulungan mo kami! Tulungan niyo kami ni Mama!" sigaw ko mula sa bintana.

"Hon? Sandali lang! Hihingi ako ng tulong! Paparating na rin ang mga bumbero!" sigaw niya mula sa baba.

Hindi nagtagal ay tuluyan nang umakyat sa second floor ang apoy. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung ito na ba ang magiging katapusan ko.

"Karen, malapit na sa atin ang apoy! Anong gagawin natin?" tanong sa akin ni Mama.

"Mama, 'wag po kayong matakot. Paparating na po ang mga bumbero. Ililigtas nila tayo!" tugon ko.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now